Chapter 5 - But I get up

4K 183 36
                                    


IVY's

I inhaled and exhaled deeply.

Kumatok ako bago pinihit ang doorknob ng pintuan sa kwarto ni Emory. Alas-sais na kasi at hindi pa ito lumalabas sa kwarto niya. Pati ang Daddy niya ay nasa opisina lang nito buong hapon magmula nang magkasagutan kami. Galit-galit ang drama naming tatlo.

Dahan-dahan akong naglakad papasok ng kwarto niya. Her wall were painted lavender and she has a princess bed, yung may kurtina pa sa bandan ulunan niya. Yung mga lamp shades sa side table niya ang tanging ilaw sa kwarto nito.

Emory was sitting on her study table.

Hindi man lang niya liningon kung sino ang pumasok. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Nagdo-drawing ito sa isang sketch pad. It looks like an animal. Hindi pa niya tapos.

Napangiti ako. She seems to like art just like me.

Tumikhim ako. Itinigil nito ang ginagawa at bahagyang nag-angat ng tingin sa akin. When she sees it was me, she turned her gaze back to her sketchpad.

"It's time for dinner!" masayang imporma ko.

"I'm on a diet," pa-supladang sagot niya.

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Diet? Hindi naman mataba ang anak ko para mag-diet.

"Huh, why?"

"Tati Candice said I should watch my eating habits," walang anumang sagot niya habang nagdo-drawing siya.

Iyon ba ang tinuturo ng babaeng iyon sa anak ko? Gagawin pa nila na anorexic ang anak ko! Magtutuos kami ni Bullet. Hindi ako makakapayag na ganito mag-isip si Emory.

Tumayo ako sa gilid niya para makita ang mukha niya.

"You're only seven, Emory. You have to eat," I said.

She turned her back on me again.

"You're so pushy. Tati Candice will not make me do something I don't want to do."

Pumikit ako para pigilin ang magpakita ng attitude sa anak ko. Unang araw ng pagkikita namin. Kaya ayaw ko siyang bigyan ng dahilan para mas kamuhian pa niya ako. Kaya lang gusto ko rin siyang disiplinahin. Ang hirap naman ng ganito.

"The food is served and waiting for all of us. And oh, we have ice cream," nakangiting sabi ko. I hope ice cream still works for a seven years old.

My daughter is stubborn. There you go, my first discovery. 

Bakit parang hindi na ako nagtaka? Because I was also stubborn growing up. Iyon ang isa sa mga ugali ko na ipinalangin ko talaga na hindi mamana ng anak ko. Kaya lang hindi nangyari. At ginagatungan pa ng kabit ng asawa ko.

Ano ang point ng madaming pera ng asawa ko kung hindi naman namin mapakain ng maayos ang anak namin dahil nagda-diet daw - a 7 years old on a diet! That was the most absurd thing I heard today besides the fact that my husband want to bed me.

Sex is not a ridiculous idea if our marriage arrangement is normal. In our case, we co-exist because of our deal and for our daughter. 

Kumatok ako sa pintuan ng opisina ni Bullet. Walang sumagot kaya binuksan ko na lang. I found him lying down on the couch. His one arm is covering his eyes. Sinilip niya lang ako tapos binalik ang braso sa dating pwesto.

"Kakain na."

"I don't eat inedible food."

"Come on, let's eat. Si Emory ayaw din kumain baka inaantay ka. Don't let our daughter starve nang dahil lang sa nakikita niya sa'yo."

UNMARRY the Billionaire (BULLET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon