Chapter 7 - Torn by pride

4.7K 194 33
                                    

IVY's

Itinapon ko sa cigarette bin ang upos ng sigarilyo ko.

Dito na lang ako nakakaganito dahil ayaw ni Bullet na naninigarilyo ako sa labas ng bahay niya. Pwede ko naman siyang hindi sundin, pero pagod na rin naman ako makipag-argumento tungkol dito. Mahirap kapag matalino masyado ang kasagutan mo, they refute with facts. Nakaka-walan ng gana.

Naglalakad ako sa loob ng building habang inaayos ang bow na nakasukbit sa isang balikat ko at bitbit ko lang ag tatlong arrows ko dahil nakalimutang ko sa range ang bag ng arrows ko noong huling praktis ko. Pupunta kasi ako sa archery range mamaya upang mag-praktis saglit. Taliwas sa inaakala ko, hindi ako napatalsik dahil sa ginawa ko sa parking lot. Walang nakaalam na ako ang bumasag sa kotse ni Kamille.I don't know how but I have a hint Bullet did something about it. Hindi ko na rin naman siya tinatanong tungkol doon.

Napadaan ako sa isang classroom na parang may nag-aaway sa loob. Sinilip ko sa bintana at hindi nga ako nagkakamali. Babalewalain ko na sana pero pinigilan ko ang sarili ko na umalis.

Fine, I was having a boring day anyways so might as well entertain myself.

Pumasok ako sa loob. Nasa kabilang dulo ng silid ang limang babae. Pinapalibutan nila ang isang babaeng nerd na nagdudugo na ang labi. Wow, I thought this only happen in high school. Yung isang babae ay nakahawak sa buhok nung nerd para siguro pigilan ito na tumakbo.

The wannabe mean girls.

I smirked.

Inilapag ko sa teacher's desk ang Celine bag ko. Hinubad ko ang bow na nakasukbit sa akin at kumuha ako ng isang arrow. Dito na lang pala ako magpra-praktis muna. This is actually illegal to do here but they leave me no choice.

Inasinta ko ang gilid ng mukha nung babae na may hawak na gunting. I pulled the bow up and waited for her to notice me. I didn't wait long so when the girl met my gaze, I released the arrow from my grip. Nanlaki ang mga mata niya at nahintatakutan ng muntik nang masagi ng arrow ang pisngi niya. Actually, nilayuan ko ng kaunti just in case she will move. I don't plan to kill anybody today. If she was Kamille baka pu-pwede pa. Tumama ang arrow sa sementadong dingding ng classroom.

I heard screams.

Kumuha ulit ako ng isang arrow at inasinta muli sila.

"Leave the girl alone or else I will make sure this next arrow will cut your heart apart," pagba-banta ko, nakatutok sa kanila ang hawak ko.

Mabilis na binitiwan nila ang gunting at buhok nung nerd. Kumaripas sila ng takbo palabas ng classroom. Doon ko lang binaba ang bow at arrow ko. Naglakad palapit sa akin yung nerd dala ang arrow na ginamit ko kanina. Habang isinusukbit ko ang aking bag at arrow sa aking magkabilang-balikat. Binitbit ko na rin ang mga arrows ko.

Inilapag niya ang arrow sa mesa. Kinuha ko yun.

"Ahm... M-miss, salamat."

Tumango lang ako.

Kumuha ako ng tissue mula sa Celine bag ko. Inilahad ko yun sa kanya. Tahimik niya iyon kinuha mula sa akin.

"Ako nga pala si Imarie. How can I repay you?"

"I'm Ivy. You don't have to, tutal nag-praktis lang naman ako."

"Please, I want to repay you."

Tinitigan ko siya. She was wearing a hideous eyeglasses just like the one Bullet used to wear.

"This is what you do to repay me. Kung minura ka, murahin mo ng madaming beses. Kung sinuntok ka, suntukin mo ng dalawang beses. They hit you once, hit them twice. Hindi ka pinanganak ng Nanay mo para magpa-api. Adios!"

UNMARRY the Billionaire (BULLET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon