Chapter 2 - Nothing to lose

7.3K 211 8
                                    

Present

IVY's

The truth was I am the bullet he should have dodged. 

Napangiti ako ng mapait. Sobrang tagal na pero hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat ng nangyari. Napakurap ako ng marinig ang sigaw ng isang babaeng patuloy sa pagbubulyaw sa akin.

"Magtitinda ka ba o tutunganga na lang?" nangigigil na sigaw.

Napapikit ako bago huminga ng malalim.

"Pasensya na. Ilang kilo?" I said looking apologetic.

"Dalawa niyang Bangus," sagot niya sabay turo sa isda.

"Lilinisan po ba?"

"Oo. Babalikan ko na lang. Heto ang bayad." 

Inabot niya ang 400 sa akin. Mabilis akong dumukot sa aking apron ng isusukli sa kanya. Nagbilang ako sa loob ng apron ko at agad na inabot sa kanya.

Umalis naman agad ang mataray na customer. Matumal ang benta ngayon dahil tag-ulan at medyo baha sa labas ng palengke.

Napapailing na kinuha ko ang bangus at ang kutsilyo sa tabi ko. Lilinisan ko na lang agad ito at baka bumalik agad ang customer. Matatarayan na naman ako ng hindi oras. Kung hindi lang ako nangangailangan, baka isaksak ko sa bunganga niya ang ulo ng bangus - sashimi style.

Madalas ibinubuhos ko ang inis ko sa mga customers at sa buhay ko sa pagkaliskis sa mga tinda naming isda. Tama yung sinasabi nila. Mahirap maging mahirap. Kahit anong pagsisikap na gawin namin, hindi nababawasan ang utang namin. Noon mayaman pa ako, ang dali sa akin magsabi na dapat magsumikap sila para gumanda ang buhay nila. Kahit anong pagsusumikap ng tao, kung ang dami-daming hadlang, mabagal ang pagyaman.

Noong unang taon ko dito sa palengke, lagi ako umiiyak habang nagtataga ng mga isda. Minsan akong tinaguriang - the crying lady palengke edition.

Akala ng mga tindera dito, pinaglalamayan ko ang mga pinapatay ko na isda. Hindi nila alam na, iniiyakan ko yung mga regrets ko sa buhay kasi hindi ko na maibabalik. Ngayon, minsan na lang kung mag-iiyak ako... kapag nami-miss ko sila.

Isinilid ko sa isang supot ang mga bangus at inilagay sa may gilid ng mga isdang binebenta namin.

Kinuha ko ang kawayan na may mga supot sa dulo para pambugaw sa mga langaw na dumadapo sa aming paninda.

This was my life for the past eight years. Natanggap ko naman na. Kaya lang siyempre naiisip ko pa rin kung ano na kaya ako ngayon kung yung dati pa rin ang estado ng buhay ko.

"Tulala ka na naman," tanong ni Imarie.

Si Imarie ang kasa-kasama ko sa buhay sa loob ng walong taon. She saved my life. Kung wala siya, hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Madami siyang isinakripisyo para sa akin kaya ipinangako ko sa kanya na babayaran ko lahat yun kahit hindi siya humihingi ng kapalit.

"Alam mo naman kapag ganitong mabagal ang benta, lagi ko sila naiisip."

Tumango siya. Sana'y na nga yan sa akin. Kapag umiiyak ako. May panyo na agad siya na ilalahad sa akin.

Nasa tabi lang ng pwesto ko ang kanyang gulayan. Minsan parehong binabantayan ko ang dalawang pwesto kung may pasok siya sa kanyang pangalawang trabaho.Ganun din siya kung ako naman ang may pasok. Halos hindi na nga kami magkita sa bahay. Maliit lang ang mga pwesto namin. Yung mabiling uri lang ng isda at gulay ang binebenta namin. Mahal din kasi ang bayad sa isang pwesto dito sa palengke.

We both sighed. Iyon na lang muna ang magagawa namin.

"Nakakainis talaga kapag tag-ulan noh!"daing niya.

UNMARRY the Billionaire (BULLET)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon