IVY's
Walang lebel. Iyon kami ni Bullet sa halos apat na buwan namin na magkasama sa iisang bahay. We act as if we are girlfriend-boyfriend. Hindi ko na nga matandaan kung kailan iyon nangyari. Basta I just found myself kissing him, going on dates with him and doing the things that only couples does. I am so used to his presence, I can't go on a day without seeing him.
Nandito kami ngayon sa Mall para mag-ikot ikot at mag-grocery.
"May gusto ka bang bilhin?" masuyong tanong ni Bullet sa akin habang naglalakad kami sa mahabang pasilyo na punong-puno ng tao. It was a holiday kaya hindi na iyon nakapagtataka.
Napaisip ako sa mga tinitignan ko sa online nitong nagdaang buwan. There is a particular bag I want but I couldn't afford. It was in a pricey side like 100,000 pesos. Dahil nga tuluyan nang ipinasarado ni Daddy ang mga cards ko nang maglayas ako, hindi ko iyon mabibili.
Malungkot akong umiling.
Ayoko naman humingi sa kanya kasi nga ayoko siyang gawin na sugar daddy although Bullet is not old to be called that way.
Noong una, pera lang talaga ang habol ko kay Bullet since iyon ang nakikita ko na kulang sa akin. He knew exactly that but he took the risks. He gave me more than any money's worth. He always see the good in me no matter how bad I was treating him.
Kaya lately, I am trying my best to be a good girl kahit medyo nahihirapan ako. Lumalabas kasi talaga yung pagiging mahadera ko na siyang tawag sa akin ni Flynn.
Pero ang pinaka-achievement ko talaga ay nabawasan na ang pagiging gastadora ko. Hindi ko na nga masyadong ginagamit ang card na binigay ni Bullet sa akin. Pang-kain lang o kaya school supplies ko na lang iyon ginagamit. Mahihimatay siguro si Daddy kapag ganun ang ginawa ko sa card niya noon. Magpapa-novena pa 'yon.
"Bilhin na natin yung bag na gusto mo."
Napatigil ako sa paglalakad at tiningala siya.
"Wait, how did you know?"
"I checked the browse history of my laptop," nakangiting wika niya."You want a lot of things but you browsed the bag almost everyday so I am guessing you really like it."
"But...ahm, okay lang naman. I do have a lot of bags anyways," I said. I bit my lips to stop myself from saying yes.
Yung mga bag na 'yun ay binili ko nung unang buwan ng card ni Bullet sa akin. Wala namang sinasabi sa akin si Bullet noon kahit palaging nage-exceed ang limit ng card niya.
"Halika nga dito," hinila niya ako para yakapin. "We will buy the bag, okay?
"It is a expensive bag," tutol ko.
He chuckles. "Hmm, patingin nga iyang mukha mo," He lift my face from being buried to his chest. He checked every inch of my face. Nagtaka ako.
"Why?" I asked.
"Baka kasi impostor itong kasama ko. Ayaw gumastos, nakakapanibago!"
Napatawa ako saba'y tampal sa dibdib niya. "Oo na! I am weird like you na. Nakakahawa ka kaya huwag na natin bilhin. Okay lang 'yun."
He sigh before he tucked some of my hair strands behind my ears.
"I am working hard in our company just for you, honey. So don't feel guilty about spending money for the things that you want."
Napangiti ako.
"What did I do to deserve you?" I asked.
"You made my dream came true."
BINABASA MO ANG
UNMARRY the Billionaire (BULLET)
Fiction générale[Tagalog/ongoing] Ivy Velez is a spoiled and rebellious who gets everything she wants including Bullet de Guzman, an heir to a billion dollar firearms corp. She wants all the perks of being his girlfriend. When her Father closed all her bank account...