IVY's
Gumising ako ng maaga dahil gusto ko maghanda ng breakfast para sa dalawa. Paglingon ko sa aking tabi ay walang Bullet na nabungaran ko. Mukhang hindi siya natulog dito kagabi.
Bumangon na ako at inayos ang kama. Pagkatapos ay tinungo ko ang walk-in closet para palitan ang suot kong pajama. I changed into denim short at hindi ko pinalitan ang suot kong puting t-shirt kagabi. Nagsuot na lang ako ng bra.
Papasok si Bullet sa opisina ngayon. And if memory serves me right, he goes to the office around eight in the morning. Nagta-trabaho na siya sa company nila kahit nasa school pa ito ngunit isang araw lang sa isang linggo.
Hinanda ko ang suit na kanyang susuotin. Namili rin ako ng necktie na babagay sa napili kong navy suit. I used to do this when we were still together and he loved it. There is no wrong in trying, right?
Bago ako bumaba ay sinilip ko muna si Emory kung gising na siya. Mahimbing pa naman ang tulog niya. Kungsabagay, alas-sais pa lang ng umaga. Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kanyang kama. Inubos niya ang gatas na ginawa ko para sa kanya kagabi. I leaned and kissed her on the forehead. Hinawi ko ang buhok na tumatabing sa kanyang magandang mukha.
"You really are your father's daughter," bulong ko.
Kamukhang-kamuha ni Emory si Bullet. Maski ang kulay asul na mga mata ng Daddy niya ay namana din nito. When she was staring at me yesterday, parang bumalik ako sa unang beses na natitigan ko ang mga mata ni Bullet. It's like her eyes were a bridge to the past - it reminds me so much of what happened eight years ago.
Naabutan ko si Bullet sa may kabisera, umiinom ng kape habang may kung anong ginagawa sa kanyang cellphone.Tumayo ako sa kanyang gilid. Pasimple kong sinilip ang kanyang ginagawa - nagbabasa ito ng email niya. Akala ko yung kalaguyo niya ang kausap nito sa ganitong oras.
"Morning, honey," I sincerely greeted him.
Hindi niya ako pinansin. He was acting as if I don't exist. Nagkibit-balikat ako at tinungo ang kusina.
Binuksan ko ang ref para tignan kung ano ang pwede kong inumin at kung ano rin ang pwedeng lutuan para sa dalawa. Hindi talaga nagalaw yung mga niluto ko mula kagabi. Iyon na lang ang tanghalian namin ni Emory. Wala rin juice sa ref, just milk. I don't drink coffee in the morning. Ugh, water it is then.
Nilabas ko ang eggs. I will make omelet and pancake. Matagal na akong hindi nakakapag-luto ng mga ganitong almusal pero naalala ko pa naman kung paano lutuin. Karaniwan ang ulam namin ni Imarie ay daing, sardinas o kaya tubig na lang kung matatawag ba na ulam iyon. Madalas kasi na hindi sapat ang pera namin para makakain ng tatlong beses sa isang araw.
I sighed.
I am tall but, heck, these cupboards were built for giants. I bit my lips while trying to reach for a box of pancake mix. Naabot ko naman, yun nga lang dulo lang ng mga daliri ko ang nakaka-daiti sa kahon. Pinipilit ko iyon ipatihulog para saluhin ko. Pagkaraan ng ilang minuto, nakakasilip na ako ng pag-asa ng biglang may umabot ng kahon mula sa cupboard. Napaayos ako ng tayo nang ilapag ni Bullet sa counter ang kahon.
Wala itong imik na hinugasan ang tasa na kanyang ginamit.
I want him to talk to me and that only happens if I pissed him off.
"Rough morning?" tanong ko, trying to suppress my smile. Inilabas ko mula sa kahon ang nakasupot na pancake mix.
Liningon ko siya. Mariin itong nakatingin sa akin habang nagpu-punas ng kamay.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Don't start with me," he warned.
"What!? Wala naman akong ginagawa. I just asked a question," pa-inosenteng tanong ko. Idinantay ko ang isang kamay ko sa counter habang ang kabila naman ay nakapamaywang.
BINABASA MO ANG
UNMARRY the Billionaire (BULLET)
Ficção Geral[Tagalog/ongoing] Ivy Velez is a spoiled and rebellious who gets everything she wants including Bullet de Guzman, an heir to a billion dollar firearms corp. She wants all the perks of being his girlfriend. When her Father closed all her bank account...