IVY's
"Your mom is scary," I said while we were eating dinner. Date daw namin ito sa bahay dahil pareho kaming abala sa mga bagay-bagay nitong nakaraan.
He chuckles. He thought I was joking when in fact, I mean it.
Tinapangan ko lang ang aking loob nang kausap ko ang Mama niya. But the truth is, I am scared of what she can do to me... to us.
Dati naman hindi ako ganito. Lahat ng ex-boyfriends ko ay pinakikilala ako sa mga magulang nila. Ang iba ay kaugali ni Maam Mary but I was never intimidated. I really didn't care what they think of me... their first impressions.
I only thought of romantic relationships as temporary. I am a teenager. I am in the midst of exploring my options. Kaya kung ayaw ako ng pamilya nila, okay lang dahil hindi naman kami magtatagal ng anak nila. So I don't want to invest time to impress or bond with them. Para saan pa?
I said before, I will walk away when a person, be it a boyfriend or friends or family, no longer serves me.
Because there are relationships that are not built to last. Just like what happened to my Dad and my Mom.
Tonight, as I look at Bullet smiling at me while eating dinner together, I realized...
I want us to last.
I want to grow with him.
"We have the same opinion, mi amore." Nakangiting wika niya. Sumubo siya ng ulam. Stir fried beef with broccolli ang niluto niya because it's my favourite...any food with beef in it.
Nilipat ko sa kanyang pinggan ang beef na nasa plato ko. He need it more than I do. Nagtatrabaho siya tapos nag-aaral. Samantala, wala ako masyadong ginagawa.
I am just a freeloader.
Ibinalik niya ang beef sa plato ko. "Eat. Nangangayayat ka na."
"I'm on a diet."
Tinaasan niya ako ng kilay.
"Huwag masyado... madami na ako kaagaw sa'yo. Ayoko na madagdagan," seryosong wika niya.
Humagikgik ako. Wala na nga maka-porma sa akin dahil lagi siya nakabantay sa akin sa school. Kaya malabo na may kaagaw pa siya. I am not looking for another man anyways.
Bullet is more than enough.
"Maybe because you're an only child kaya she is protective of you." pagpapatuloy ko sa nauna namin na pinag-uusapan.
Nagkibit-balikat siya.
"Maybe." Nilagok nito ang natitirang red wine sa kanyang flute. "When I was a kid, I remember asking my parents for a sibling because I was lonely. Hanggang sa nakalimutan ko na dahil nagkaroon na ako ng kaibigan."
"Sina Flynn?"
Kinuha ko ang wine bottle na nakalublob sa yelo at sinalinan ang kanyang baso.
"Thank you." he said. I smiled. "Yeah. Sila na ang naging kapatid ko. Anong sinabi ni Mama sa'yo?"
I don't really hate his friends kahit hindi naging maganda ang unang pagkikita namin. They are good to me lately. Sinasakyan nila ang katarayan ko.
I also admire their friendship. Bihira na lang ang makatagpo ng mga kaibigan na tapat at nagtatagal. Isang bagay na kailanman ay hindi ko nakamit. Sa dinami-dami ng nakilala kong tao, wala ni isa ang nanatili sa buhay ko. Ganun din naman ako sa kanila, kaya wala dapat ako sinisisi. Tsaka lang ako nanghihinayang kapag nakakasama ko ang mga kaibigan ni Bullet at nasisilayan kung gaano sila malapit sa isat-isa.
BINABASA MO ANG
UNMARRY the Billionaire (BULLET)
Ficción General[Tagalog/ongoing] Ivy Velez is a spoiled and rebellious who gets everything she wants including Bullet de Guzman, an heir to a billion dollar firearms corp. She wants all the perks of being his girlfriend. When her Father closed all her bank account...