Kabanata 9

2 0 0
                                    

Ang bawat tao ay may karapatang sumaya at umibig. May mga taong nakalaan para sa isa't - isa na kahit ano mang subok ng tadhana ay hindi mapaghihiwalay. Iyon ang lagi sabi sakin ni nanay. Naniniwala ako. Naniwala ako sapagkat akala ko ay siya na ang nakalaan sa akin na kahit mahirap ay sumubok akong mahalin kahit magkaiba agwat namin sa buhay. Akala ko mahal nya ako o minahal man ako. Akala ko siya na ang prinsepang sasagip sa akin sa hirap ng buhay. Akala ko lang pala, dahil hindi ako prinsesa at mas lalong hindi ako si Cinderella. At ang taong akala ko na aking prinsepe ay kasalukuyang nakatingin sa akin ngayon na may ngisi sa labi habang ang isang kanang kamay niya nakahawa sa baywang ni Chan.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatayo na parang tuud dahil sa nasaksihan. Natapos ang halikan. Natapos ang tawanan. Natapos ang lahat para sa akin puno mg luha ang aking mga mata. Paano? Bakit? Anong nangyayari? Andaming katanungan na bumabagabag  sa aking isipan na naputol lamang dahil sa isang katanungan.

"Miss, are you okay?" Tanong nang isang kaibigan niya.

"Shit! Is that her?" Sabi nung isa.

"Damn! She's really a beauty"

" Ano dude, natikman mo na ba?" Isang tanong na nagpagising sa akin. Tinignan ko ang nagtanong, subalit nakangisi lang siya sa akin at hinagod ako ng tingin.

"Shut up Tim!" Suway ni Chan na ikinagulat ko. Lumakad niya ng pahakbang palapit sa akin.
" Im sorry Hestia, I did not know. Plano pala nila ito. That's why  naging malamig sa akin si Migs. They had a bet. I just found it yesterday. Pinaglaruan ka lang ni Migs. " Siwalat niya pa sa akin na nagpangining sa akin.

"Damn! What's happening?! Anong bet?" Wika noong unang nagtanong kanina.

" Lagi ka kasing wala Sid, ang bet ay dapat makama nitong si Migs ang maganda niya katulong. Malapit na e, kaso nalaman ni Chan."  Sagot ng isa.

Subalit wala na akong inintindi pa. Napako lamang ang aking tingin sa lalaking aking minahal subalit ako'y kanyang pinaglaruan lamang pala. Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin napansin ko lamang na palapit na ako sakanya at akmang sasampalin ko na siya subalit naharang niya ang aking kamay at hinawakang mahigpit. Nasasaktan ako. Ngunit wala akong magawa kundi tuming sa kanyang mga mata.

" You don't have the right to slap me bitch!" Anya sabay tulak sakin na siyang dahilan ng pagbagsak ko. Hindi ko alam kung bakit siya pang may ganang magalit sa akin kung siya naman ang nanakit.

"Damn dude! What are you doing?!" Tanong noong Sid. Sabay lapit sa akin na tinulangan akong tumayo. "Are okay miss?" Tanong niya sa akin na hindi ko nasagot dahil sa mga salita ni Miguel.

" Wag kang makialam Sid. Pabayaan mo yan." Sagot niya sa kaibigan sabay tingin sa akin. "And my dear Hestia, thanks for your service, now, pack your things and leave. Im done with you." Masakit na sabi niya sa akin sabay lakad palayo sa akin na sinundan ni Chan ay ng iba pang mga kaibigan nila.

"Im sorry miss" Sabi sa akin ni Sid bago sinundan ang mga kaibigan.

Salitang "sorry" na sa kaibigan niya pa nanggaling. Ang sakit. Ang sakit sakit. Naramdaman ko na lamang ang isang mainit na yakap.

" Anak, magpakatatag ka." Sabi ni Aling Seny.

" Ang sakit nay, ang sakit" hagulgol ko sakanya.

"Nasasaktan ka kasi nagmahal ka. Magpahinga ka na muna anak, halika sa kwarto." Niyakag na nya ako.

Pagpasok ko sa kwarto ay hindi parin matigil tigul ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paglalakad lamang ako sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang puso kong nasaktan, ang pride ko o ang humanap ng bagong trabaho sapagkat kung tama ang pagkakaintindi ko ay pinapalayas na ako dito. Ang sakit.

" Hestia!" Humahangos na tungo sa akin ni Sheena sabay yakap. " Sorry, wala ako kanina. Ang sama sama pala ni Sir Migs. Ayaw ko na sakanya. Walang puso! Walang hiya!"

"Sheena" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nahihiya rin kasi ako sa nangyari. Kung bakit ang tanga tanga ko kasi e.

"Shh. Nandito lang ako para sayo. Hindi kita iiwan."

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pinapaalis na rin ako dito. "

"  Walang puso talaga. Napakagago niya. Ikaw na nga ang sinaktan at pinaglaruan tapos siya pa ang may ganang paalisin ka. "

" Ayos na rin siguro. Hindi ko na rin alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng ginawa niya sa akin. "

Hindi ako makatulog noong gabing iyon sa kakaisip kung anong gagawin ko. Masakit. Sobrang sakit. Pinagpustahan lang pala ako. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko at umasa pa talaga na totoo ang pinakita nya sakin. Akala ko may nagmamahal at iintindi na sa akin, pero nanaginip lang pala ako ng gising. Nagpapantasya. Bakit ba kasi na nawala sa aking isipan na kailanman ay hindi iibig ang isang mayaman sa katulad kong    dukha lamang.

Hindi ko na namalayan na ako'y napahagulgol na lamang. Naramdaman ko na lamang ang yakap ng aking kaibigan.

"Shh. Hest, magiging ayos din ang lahat. Marami pang lalaki dyan. Di hamak na mas gwapo pa kay Sir Miguel. Ang pangit pangit lang non no. Hindi sya nababagay sa kagandahan mo." Alo nya sakin, pilit na pinapagahan ang aking kalooban. Napatawa nalang mang ako ng bahagya habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha. Niyakap ko ng pabalik si Sheena at nagpasalamat. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala sya. Sya lang ang meron ako.

Nang uminahon ako. Nagkatinginan nalang kami at sabay napabuntong hininga.

"So, anong plano mo?", tanong nya sakin.
Umiling na lamang ako sakanya dahil sadyang wala akong maisip. Di ko alam kung anong sunod kong gagawin.

"Talaga bang pinapaalis ka na? Hindi pwedi yon. Saan ka pupunta? Kargo kita, ako nagdala sayo dito. Kaya sasamahan kita, aalis rin ako." Mabilis na wika ni Sheena sa akin. Nagpatulala nalang ako sakanya. Tunay nga na hindi ako nag iisa.

Napa ngiti ako at niyakap ang aking kaibigan. "Thank you, Sheen. Salamat dahil lagi kang nandyan para sakin. Pero hindi mo na kailangan sumama pa sakin lalo na't ngayon lang talaga kayo magsasama ni Aling Seny." 
"Pe-pero paano ka?", pigil nya sa akin. "Hindi ko hahayaan na mag-isa ka." patuloy nya.

"Bahala na. Hahanap rin siguro ako ng bagong mapapasukan dito or babalik nalang siguro sa probinsya. " sagot ko sakanya.

"Tanungin natin bukas si Inay, baka may irekomenda sya na pwedi mong pasukan bukas. Pero sa ngayon, itulog na muna natin to, okay? Hwag ka na munang mag-isip. Alam kong mahirap, pero kakayanin mo to."

"Thanks, Sheen". Yun nalang ang naging sambit ko sakanya.

Natapos ang gabing iyon na napasalamat ako sa Panginoon na kahit sa dami ng naranasan kong mapapait mula noon ay binigyan ya parin ako na isang tunay na kaibigan. Isang kaibigan na alam kong laging nandyan para sa akin.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When The Moon lights The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon