" Hestia matulog ka na iha, bukas mo na ituluy yan " kasalukayan akong nagwawalis sa kusina ng makita ako ni Aling Seny. Alas dies na pala ng gabi pero hindi parin ako makatulog kaya naglinis na lang ako ng mansyon ng mga Villanueva kahit wala namang dapat linisin pa.
"Opo, susunud na po" sabi ko na lang, at mukhang napanatag naman siya dahil bumalik na siya sa maid's quarter kung saan kami nanunuluyan.
Dalawang linggo na ang lumipas mula ng tumuntong ako rito at nagsimulang manilbihan subalit hanggang ngayon ay hindi parin ako masanay-sanay, hinahanap hanap ko pa rin ang dati naming bahay at ang sariwang hangin sa probinsya. Mabait naman ang mag-asawang Villanueva kahit na tatlong araw ko palang silang nakasalamuha, lagi silang wala dahil na rin siguro sa mga negosyo na kanilang pinagkaka abalahan. Ang mayabang na Miguel naman ay hindi ko pa nakikita pagkatapos nung unang tapak ko rito. Ang sabi ni Aling Seny ay may condo unit siya at doon daw ito madalas umuuwi, napag alaman ko rin na siya pala ang bunsong anak ng mga Villanueva kaya pala ganon na lang ang ugali, siguro ay masyado siyang inispoil ng mag magulang at mga kapatid niya. Mayroon siyang dalawang kuya na mayroon naring kanya-kanyang pamilya at sa ibang bansa na nalalagi dahil sa mga negosyo ng kanilang pamilya. Muli kong sinulyapan ang mansyon at napagbuntong-hininga na lang ako na napagtanto na ang laki nito subalit ang pamilya Villanueva ay mmadalas wala rito. Mas gugustuhin ko pang tumira sa maliit na bahay tulad ng sa amin subalit punong-puno naman ng pagmamahalan at masasayang ala-ala. Mga ala-alang hindi ko kailan man makakalimutan, at lagi kong dala-dala kahit saan man ako nang sa ganon ay kahit konti ay maibsan ang kalungkutan at pagkamiss ko sa aking pamilya na kahit kailan ay hindi ko na makikita pa. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mga pisngi na hindi ko namalayan na tumulo na pala subalit napabalikwas ako ng upo nang may narinig akong isang kalabog na nagmumula ata sa sala. Agad akong kinabahan at di ko alam kung ano ang gagawin ko. Tumayo na langako at sinundan kung saan namumula ang ingay, agad napalitan ang kaba at takot ko ng pag alala nang makita ko na si mayabang na Miguel na nagsuswimming sa lapag dahil sa labis na kalasingan. Patakbo akong tuungo sakanyan at inalalayang tumayo.
"Sir, ayos lang po kayo?" kunyaring concern na tanong ko sakanya subalit imbes na sagutin ang tanong ko nagawa pang sisirin ng lalaking ito ang leeg ko. Tinulak ko naman agad ang ulo niya at umungol lamang siya. Mukhang wala na sa tamang katinuan ang isang to. Kahit mabigat ay ginawa ko parin siyang alalayan paakyat sa kwarto niya at tinulak na lang sa kama niya nang marating namin ito, subalit ang hindi ko ina asahan ay kumapit ito sa kamay ko kayat naglanding rin ako sa ibabaw niya mismo. Nanlaki ang mga mata ko at tila naging bato ang katawan ko nang napagtantong kasabay nang pagbagsak namin ay ang paglapat rin ng mga labi namin at pagtingin ko sa mga mata niya ay labis na nag init ang pisngi ko dahil bukas ang mga ito at nakatinngin sa akin.
" Ba-bastos!" taranta ko siyang tinulak at patakbong lumabas sa kwarto niya. Pagkasara ko sa pito ay napasandal ako roon at napahawak sa dibdib ko dahil lakas ng tibok nito. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, ang first kiss iningatan ko sa loob ng 20 years ay inagaw lamang ng isang lasing. Tumakbo ako pababa sa hagdan at pumunta sa silid na aking tinutulyan sa maid's quarter. Agad nagtalukbong ng kumot at napagpasyahang itulog na lamang ang kung anong kumikiliti sa aking tiyan. Jusko ano tong nangyayari sa akin, ay may sakit na ata ako.
Kinabukasan maaga kaming nagising tulad ng nakasanayan upang manilbihan. Kasalukuyan akong nagpupunas ng dining table nang magsalita si Sheena,
" Bes, nandito daw si Sir Miguel! ", patiling wika niya.
"O e ano naman ngayon?" walang paking tugon ko.
"Hala siya, hanggang ngayon ba naman hindi mo parin nakakalimutan ang nangyari sa inyo -"
"Walang nangyarin sa amin!" halos pasigaw na putol ko sakanya dahil naalala ko na naman ang init ng labi niya sa labi ko. Huli na nang napagtanto ko na talagang napalakas ang pagkakasabi ko dahil nakatingin na sakin ang mga tao dito sa kusina.
"Iha, ayos ka lang ba?" tanong ni Aling Seny na napatigil sa pagluluto.
"Oo nga bes, kung makapagreact ka naman. May sakit ka ba? Sabi ni Nanay anong oras ka na lang natulog kagabi". Sasagot na sana ako nang magsimulang nagsi-bati ang mga kasama kong kasambahay, pati si Sheena ay namamadiling tumayo at tarantang bumati rin sa dumating, "Go-good morning Sir!" aniya. Ako naman ay natigil sa pagpupunas ng lamesa at kung di pa ako siniko ni Sheena di pa ako gagalaw.
"Go-good morning si-sir!" nauutal na sabi dahil sa labis na pagkataranta dahil nakatingin rin pala sakin si Miguel.
Tumango lamang ito at mukhang wala pa sa sariling nagtanong ng kung anong almusal. Kaagad naman kaming nagsilbi kanya at inihain ang kanyang pang-agahan.
"My coffee?" tanong niya sakin nang nagtama ang aming mga mata, agad naman akong nagtimpla ng kape niya kahit di ko alam kung anong klasing timpla ang gusto niya.
" Eto po Sir" nanginginig pa ang mga kamay kong nilapag ang kape sa lamesa. At mukhang napansin naman niya dahil nakatingin siya sa mga kamay ko. "Easy. Relax", nakangising sabi niya sa akin na may halong panunuya. Agad namang luaki ang mga mata ko at mabilis na bumalik sa gilid kung nasaan si Sheena.
" Ayos ka lang ba talaga friend?" tanong ni Sheena sabay patong ng kamay niya sa leeg ko para tignan kung may lagnat ba ako.
"Ayos lang ako" sabay baba sa kamay niya. " Sigurado ka? Mukahang wala ka sa sarili eh?" paninigurado niya pa.
" Oo nga sabi" may katarayan na sagot ko sa kanya dahil napansinin kong nakatingin sa amin - ay sakin si Sir Miguel na nakangisi pa hanggang nagyon. Agad ko namn itong inirapan at pinagtaasan na isang kilay. Natawa naman siya sabay iling at balik sa pag-inom ng kape niya. "Mabilaukan ka sana" bulong ko at mukahang malakas ako sa taas dahil umubo nang umobo ito. " Dammit! Ang init! " napatawa nalang ako ng mahina.
"Ay!" patakbong kumuha ng isanng basong tubig si Sheena saby bigay sakanya. At ang mayabang naman ay di man nagpasalamat sa kaibigan ko. Walang hiya talaga.
"Grabe ah, tinatablan pala ng init ang mga hot na kagaya niya" pagkamanghang sabi pa ni Sheena pagkabalik sa tabi. Tinaasan ko lang ito ng kilay dahil nagawa pa nitong purihin ang mayabang na bastos na yon.
Kasalukuyan akong nagbabasa ngayon ng pocket book habang nakahiga dito sa duyan sa garden ng mga Villanueva. Oras ngayon ng siesta at dahil ayaw kog matulog ay pinili ko na lamang mmanatili rito at magbasa. Muntik na akong mahulog sa duyan nang may narini akong isang tikhim sa di kalayuan. Pagtingin ko ay si Miguel na nakangisi na naman pala na nakasandal sa isang puno kung saan nakatali ang duyan. Lumapit ito sa kinaroroonan ko kaya't agad akong naupo sa duyan.
Nakatayo na siya sa harapan ko nang tanungin niya ako ng tanong na nagpagimbal sa akin.
" How's the kiss? "
BINABASA MO ANG
When The Moon lights The Dark
RomansaNang mawala ang lahat ng mayroon si Hestia, pinili na lamang niyang iwan ang bayan na kinalakihan niya, ang bayan na nagpapa-alala ng mga masasayang araw na magkakasama sila, kahit mahirap at isang kahid isang tuka lamang ang pamilya niya, ay masasa...