Kinabukasan ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir Miguel. Hindi ko alam kung kakalimutan ko na lang ba ang tanong niyang hindi nagpatulog sa akin. Ewan ko ba kung bakit hindi mawala-wala sa aking isipan ang tanong na iyon gayong alam ko sa sarili ko ang kasagutan. Wala akong gusto sa kanya. Iyan ang pagkaka-alam ko. Ang dikta ng isip ko.
Isang hampas ang nagpagising sa akin mula sa malalim na pag-iisip."Hoy!"
"Ano ka ba naman Sheena! Bakit ba ang hilig mong maghampas!" Iritadong sita ko sa kanya.
"Sorry naman po." Maamong sabi niya. Magiging ayos na sana kung hindi niya lang dinugtungan. "E kasi naman kanina pa kita kinakausap, nakailang pitik na ako sa harapan mo pero walang reaction bes! Tatawagan ko na sana si Nanay para dalhin ka sa Rizal Park baka sakaling gusto mong i-sub si Rizal sa pagiging rebulto." Mabilis na sabi niya sabay tawa pa sa sariling naisip.
"Hindi nakakatawa." Ani ko pero inirapan lang ako.
"Kaya lang.." Hindi pa pala siya tapos. Ay naku! Ang daldal.
"Ano?!"
"Kaya lang naisip ko na baka si Sir Miguel na naman ang laman ng isipan mo kaya ka napapatulala. Madalas na yan ah!" Tukso niya sabay ngisi.
"Puro ka kalokohan."
"Ano na kasi? Si Sir Miguel iniisip mo kanina no?" Pilit niya pa. Bubugahan ko na sana siya ng apoy kung hindi lang....
"Who's thinking about me?" Ani nang isang boses na parehong nagpatigas sa kinatatayuan namin ni Sheena pero una siyang nakabawi.
"Oops! Wala akong alam. Inosente po ako." Natatawa niyang sabi habang nagkataas pa ang dalawang kamay at umalis na sa sala. At ako? Agad akong nakaramdam ng kaba.
" So.." Panimula niya at bago pa man niya madugtungan ay sumabat na ako.
"Ah Sir, may inuutos pala sa akin si Aling Seny, puntahan ko lang po ah?" Kabadong sabi ko at humakbang na paalis. Pero may isang kamay ang pumigil sa akin."Where do you think you're going? Im still talking to you, Hestia." Tila nagsitayuan ang mga balahibo ko sa pagkarinig ko nang pangalan ko mula sa kanya. " So, tell me. Are you thinking about me, hmm?" Malambing na sabi niya at halos magkalapit nalang ang aming mukha.
Hindi ko alam ang isasagot ko dahil sa panibagong pakiramdam na naman ang pinaparamdam niya sa akin. Muling lumapit ang kanya mukha at halos ramdam ko na ang kanyang mga labi sa aking tenga.
"Patas lang pala tayo. Hindi mo alam kung paano mo rin ginugulo ang isipan ko. It's good to know that you're also thinking about me." Aniya habang nakatingin na sa aking mga mata at nabigla ako sa sunod niyang ginawa! Lumapat ang mga labi niya sa akin. Lumaki ang mga mata ko sa gulat pero nang tingnan ko ay nakapikit siya. Ginalaw niya nang isang beses ang kanyang mga labi bago pinakawalan ang akin."Tangna, sarap." Aniya at walang sabi sabi niya akong iniwan na parang tuod na ngayon.
"Hoy! Tulala ka na naman!" Boses ulit ni Sheena ang nagpagising sa akin.
"Ah? May sinasabi ka?" Tanong ko habang nakahawak pa sa aking mga labi. Muling bumalik sa aking isipan ang paghalik sa akin ni Sir Miguel.
"Hoy!" Si Sheena sabay hampas sa lamesa. Narito kami ngayon sa kusina nagtambay habang wala pang ginagawa. " Ano ba talagang nangyayari sayo? Tingnan mo at namumula ka pa" Naliliit na matang turan niya sa akin.
"Wala, wala" mabilis na sabi ko at agad na tumayo upang pumunta sa may duyan, baka kasi malaman niya pa kung anong ang dahilan. Kakahiya!
" Saan ka pupunta? May tinatago ka no?" Pahabol na dudang tanong niya sa akin. Subalit hindi ko na siya sinagot pa baka sabihan na naman niya akong defensive masyado.
Habang nasa duyan, si Sir Miguel parin ang nasa aking isipan. Palaisipan parin sa akin kung bakit niya ginawa iyon gayong hindi naman siya nakainom. Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iisip.
Mga malalambing na tapik sa aking braso ang pilit na gumigising sa akin. Sa pag aakalang si Sheena ay hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy na lang ang aking pagtulog. Mga ilang sandali ay nanaginip na ako na may nagbubuhat raw sa akin. Kasunod noon ay ang pagkarinig ko nang mga katagang alam kong sa panaginip ko lamang maririnig.
"Sleep well, Honey"
BINABASA MO ANG
When The Moon lights The Dark
RomanceNang mawala ang lahat ng mayroon si Hestia, pinili na lamang niyang iwan ang bayan na kinalakihan niya, ang bayan na nagpapa-alala ng mga masasayang araw na magkakasama sila, kahit mahirap at isang kahid isang tuka lamang ang pamilya niya, ay masasa...