Kabanata 5

118 2 0
                                    



"Kamusta naman dito Seny? Si Miguel ?" Tanong ni Mrs. Villanueva habang sila'y nasa hapag kainan. Nagawa pa rin silang sunduin ni Sir Miguel, dumating sila dalawang oras matapos naganap ang dramahan namin ni Sheena. Kaya lang ang resulta ay namumula at mugto ang aming mga mata, lalo na ang sa akin. Kasalukuyan akong naglalagay ng inumin sa kanilang mga baso at todo iwas ako na makatagpo ng tingin sa kahit isa sa kanila para hindi nila mapansin ang pamummugto na aking mga mata kahit na ramdam ko ang paninitig ni Sir Miguel.

" Ayos naman po ang lahat, at madalas na pong umuuwi ngayon si Sir. " baso na ni Sir Miguel ang nilalagyan ko nang sumagot si Aling Seny, ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay habang hawak ang pitsel at alam kong napansin iyon ni Sir, subalit labis akong nagulat nang hawakan niya ang aking mga kamay kaya't di sinasadyang nasagi ko ang kanyang baso na may kalahati ng laman. Nagulat ang lahat sa nangyari, maging ang mga ibang kasambahay na nasa gilid lamang ay nakatingin na sa akin. 

"S-sorry. Pa-pasensya na po" hinging paumanhin ko, agad na binaba ang pitsel upang itayo ang basong natumba na sa awa ng Diyos ay hindi naman nabasag. Agad namang nakalapit si Sheena sa kinaroroonan ko dala ang ang basahang pamunas sa natapong tubig.

"Ayos ka lang ba iha ?" tanong ni Mr. Villanueva na bakas ang pag-aalala subalit nakikitaan ko rin ng pagtataka gayunpaman ay tanging tango na lamang ang nagawa ko, "Son?" baling niya kay Sir na di ko namalayan na nasa gilid ko na pala.

"I'm okay Dad. But I think she's not.  I know she's sick even before I fetch you." Sagot niya sa ama subalit sa akin ang kanyang tingin. Biglang kumunot ang kanyang mga mga kilay na tila ay may kaaway. " I told you to rest, right? So, why are you here?" iritadong baling niya sa akin.

"A-ayos lang po ako, wala naman po akong sakit. Kaya ko naman po." mahinang sagot ko at nang tumingin ako sa paligid ay lahat ng mata ay nakatutok sa amin na tila ba'y kami'y mga bida na sinusubaybayan sa teleserye. Mas lalong niyuko ang aking ulo dahil sa sobrang kahihiyan. Sasagot pa sana si Sir subalit naunahhan na siya ni Ma'am.

"Take it easy son" pampakalma niya sa anak. " What's your name again iha?" tanong niya sa akin na ikinakaba ko. Matatanggal na ba ako? Kakasimula ko pa lang. San na ako pupulutin niyan. Naku! Bakit di kasi ako nag-iingat e.

" Hestia po. Pasensya na po talaga Ma'am, hindi na po mauulit. Promise po. Promise po talaga." mabilisang sabi ko sabay yuko ulit ng ulo at palihim na nagdarasal na sana hindi pa ako sesantihin. Nakarinig ako ng mahinang tawa sa bandang gilid ko at paglingon ko ay nakita ko si Sir Miguel na nakatakip ang likod ng isa niya kamay sa kanyang bibig. 

"Mukha kang tanga" mahinang sabi niya sa pagitan ng mahihinang tawa niya. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin, kasalan niya lahat ng ito e.

"Ma'am?" baling ko sa mama niya na nakatulalang nakatingin kay Sir Miguel tapos balik sa akin. Nung tumingin naman ako sa kanyang asawa ay nakikitaan ko ng multong ngiti sa kanayang mga labi. Tumikhim si Ma'am kaya't napabalik ang tingin ko sa kanya.

"Okay, Hestia? Don't worry, I won't fire you but I guess you need to take a break. Pahinga ka muna kahit ngayong araw lang o kaya'y hanggang bukas upang makasiguradong maging ayos ka." sabi niya na aking ikinagulat. Tama nga sina aling Seny, mababait nga ang mga Villanueva subalit ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan nila gayong ayos naman talaga ako, sadyang OA lang si Sir Miguel.

"Ma'am ayos lang po talaga ako." pilit ko.

"No. I insist, rest for now. Seny?" tawag pansin niya kay aling Seny na naestatwa sa kanyang kinatatayuan. Noong tumikhim ulit si Ma'am ay noon lamang siya lumapit sa akin.

"Hestia, pahinga ka muna. Kami na dito, sige na." pilit naman niya sa akin sabay hawak sa siko ko. Wala naman akong nagawa kundi tumango lamang. Isa laban sa lahat, san ako lulugar diba? Humingi na lamang ako ng paumanhin ulit sa pamilyang Villanueva at dumeretso agad sa aming kwarto.

When The Moon lights The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon