Kabanata 8

147 3 1
                                    


Naalimpungatan ako at pagtingin ko sa aking paligid ay laking gulat ko na wala na ako sa duyan bagkus ako'y nasa isang napakaganda at maaliwalas na kwarto. Hindi kami dito natutulog ni Sheena subalit mukhang pamilyar ito sakin, parang kay.. Sir Miguel?!. Agad akong napabangon sa kanyang malapad na kama nang mapagtantong sa kanya nga ito. Subalit palaisipan sa akin kung paano ako napunta dito. Muling bumalik sa aking isipan ang panaginip ko na may bumubuhat sa akin, posible kaya? Ngunit nawala rin ito sa aking isipan nang makita ko ang maliit na orasan na kung saan ang maliit na kamay ay nakatutok sa six at ang malaki naman sa thirty. Gabi na pala at kailangan na akong tumulong sa kusina subalit naging problema ko kung paano ako makakalabas dito na walang makakakita sa akin. Lumapit ako sa pinto at dahan dahang binuksan sabay tingin sa kaliwa't kanan at nang napagtantong tahimik at walang tao ay kumaripas ako ng takbo papuntang kusina. Sabay sabay na napatingin sa akin ang mga naroon kasama na si Sheena at Aling Seny na gulat sa aking pagsulpot, dagdag pa na ako'y labis na hinihingal. Unang nakabawi si Sheena sa eksenang aking ginawa.

"O friend nandito ka na, tapos ka na ba sa pinautos ni Sir Miguel?" Tanong niya nagpakunot sa aking noo.

"Ah?" Utos? E natulog lang nga ako e, dadag ko sana.

"Oo, inutasan ka raw niya kaya hindi kita mahanap rito. Pero teka bakit ka ba humihingal?"

"Ah, wala, tumakbo kasi ako rito para makatulong agad. Nakakahiya kasi medyo natagalan ako sa inutos ni Sir", sabi ko na lang.

"Anong bang inutos niya?" patuloy na usisa niya. Iisip na sana ako ng pwedi niya iutos sa akin nang magsalita si Aling Seny.

" Tama na nga yan, Tia tumulong ka na rito."

"Opo" at agad na sinunod si Aling Seny para makaiwas sa mga tanong ng kanyang anak.

Payapang natapos ang gabi na hindi nagawa ni Sheena na magtanong pa, marahil sa pahod ay agad rin siyang natulog. Subalit, dahil nakatulog ako kanina ay nahihirapan akong makatulog ngayon. Pumunta na lamang ako sa kusina upang magtimpla ng gatas. Sa kalagitnaan ng aking pagtitimpla ay nakarinig ako ng isang tikhim. Pagharap ko ay si Sir Miguel ang bumungad sa akin.

"Can't sleep?" Tanong niya sa pagkatulala ko.

"O-opo", tarantang sagot ko sa kanya.
Nagulat ako ng unti unti siyang naglakad palapit sa akin. Sa bawat paghakbang niya ay siya namang pagbilis ng tibok ng puso ko. Nang siya ay nasa tapat ko na, dahan dahan niyang binaba ang kanyang mukha, buong pag-aakala ko ay hahalikan niya ako subalit tumapat ang kanyang mapupulang mga labi sa itaas ng aking kanang tenga at bumulong,

"Nauuhaw ako", aniya at bigla niyang kinuha sa mga kamay ko ang tinimpla kong gatas. Agad niya itong inubos at dinaanan pa ng kanyang dila ang bibig ng baso habang ang kanyang mga mata ay nakatutok sa akin. Napalunok ako.

"Not enough. I want more. Nauuhaw parin ako", aniya.

"Ah-ah pag t-titimpla ko na lang po ulit kayo." Gusto kong magmura sa pag ka utal ko. Kaya agad na lang akong tumalikod sakanya, subalit, isang kamay ang pumulupot sa aking baywang at agad napaharap sa nagmamay-ari.

"Sir?" Buong kabang tanong ko sakanya.

"No. I don't need another glass of milk. I'm thirsty. "

"Tubig po?" Alok ko sakanya ngunit ngumisi lamang siya.

"No, baby. I'm thirsty of your kisses". At bago pa ako magulat sa kanyang sinabi, agad nang bumaba ang kanyang mukha at sinakop ang aking mga labi. Gulat na gulat ako sa ginawa niya kaya't nanigas ako sa aking kinatatayuan habang siya ay nagawa pang ipikit ang kanyang mga mata. Nang muling gumalaw ang kanyang mga labi, ay nagpadala na rin ako sa kanyang mga halik at ginaya ang kanyang ginagawa. Inilagay niya ang aking mga kamay sa kanyang mga balikat. Hindi ko alam kung gaano katagal ang halikan. Ang alam ko lang ay kapwa kaming hinihingal pagkatapos noon, at mas nilapit niya ako sakanya. Parehas kaming nakayakap ng mahigpit sa bawat isa.
Hinalikan niya aking ulo habang nakadikit ang aking mukha sa kanyang dibdib.
Inalis ko ang aking pagkakasandal sa kanya nang mapagtanto ang nangyari.
"Ma-matutulog na po ako" sabi ko sabay harap sa daan patungo sa aming silid. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang patawag niya ng aking pangalan. Huminto ako sa paglalakad ngunit hindi ko na magawang humarap pa sa kanya.

When The Moon lights The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon