Awa
Bigla akong gininaw dahil sa lakas ng ihip ng hangin, nagsisi tuloy ako na hindi ako nagdala ng kahit anumang panangga sa lamig gayong alam ko naman malamig dito tuwing gabi lalo na ngayong magpapasko na. Disyembre. Ang buwan na pinakahihintay ng lahat ng tao, pinaghahandaan at kinasasabikan, mapabata man o mga matatanda. Naalala ko tuloy kanina habang papunta ako rito sa isang burol kung saan kami madalas magsalo-salo ng aking pamilya ay marami akong nadaanan na mga nagkikislapang mga parol na nakasabit sa bawat poste ng mga ilaw at may narinig pa akong kantang pamasko na sinabayan pa ng mga tambay sa isang tindahan subalit nang magkita ako ay natigilan sila at nagbulungan. Mapait na lamang akong napangiti nang maalala ko iyon at niyakapa na lamang ang aking sarili upang maibsan kahit konti ang lamig ng simoy ng hangin.
"Hestia!" Isang tawag na nagpalingon sa akin. Si Sheena na matalik kong kaibigan na tila nagmamadaling makalapit sa akin.
"Bakit?" Kuryosong tanong ko sa kanya.
"Nakatanggap akong tawag kay Mama tinatanong niya kung sigurado ka na daw bang sumama sakin sa trabaho sa mga amo niya sa Maynila?" Tanong niya, ramdam ko ang kanyang pagkasabik subalit mayroon ring pag-alala sa kanyang mga mata at alam ko kung para saan iyon.
"Sigurado ako. Wala namang dahilan pa para manatili ako rito." May kapaitang sagot ko sa kanya.
Saglit siyang natigilan at tumitig sa akin na tila binabasa kung anu man ang nasa isipan ko ngayon . Si Sheena, ang siyang mayrooon lamang ako ngayon. Isang kaibigan na masasabi kong tunay at mapagmahal, malapit na magkaibigan ang aming mga pamilya kaya't parang magkapatid na ang turingan namin. Siya lamang ang kaibigan kong nanatili sa tabi ko at tinanggap ako ng buong-buo sa kabila ng mga nangyari. Umiwas na lamang ako ng tingin dahil alam na mababasa niya agad ako. Ganyan niya ako kakilala.
"Ayos ka lang?" Puno ng pag-alala na tanong niya.
"Oo naman." Sabi ko na hindi parin tumitingin sa kanyan.
"Makakalimot rin ako." Na tila sa sarili ko lamang sinasabi.
Sinubukan kong lumunok dahil tila may bumara sa aking lalamunan. Pilit na binubura ang mga mapapait na ala-ala na pumapasok sa aking isipan. Nagbabadya na ring tumulo ang mga luha na pilit kong pinipigilan..
Napapitlag ako nang biglang yumakap si Sheena sa akin.
"Isipin mo nalang na patuloy ka pa rin nilang ginagabayan kahit na...." Hindi na niya magawang ituloy ang nais niyang sabihin, ramdam ko rin ang kalungkutan sa mga bawat salita na lumalabas sa bibig niya.
"Tara na nga! Baka magdramahan pa tayo rito." Yaya ko at sinabayan pa ng pilit na tawa. Natawa rin siya kahit alam kong puno rin ng kalungkutan iyon. Agad naman siyang kumalas at tumingin sa akin.
Tinalikuran ko naman agad siya at mabilis na naglakad para makauwi na. Awa. Iyon ang huling nakita ko sa kanyang mga mata. At iyon rin ang pinaka ayaw kong makita ngayon.
BINABASA MO ANG
When The Moon lights The Dark
Storie d'amoreNang mawala ang lahat ng mayroon si Hestia, pinili na lamang niyang iwan ang bayan na kinalakihan niya, ang bayan na nagpapa-alala ng mga masasayang araw na magkakasama sila, kahit mahirap at isang kahid isang tuka lamang ang pamilya niya, ay masasa...