Kabanata 4

110 5 1
                                    


"How's the kiss?"

Tila nabato ako sa pagkakaupo sa duyan dahil sa narinig. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng buong mukha at tila nawala din ang dila ko dahil hindi ko magawang sumagot sa kanyang tanong na mas mahirap pang sagutin kesa sa mga pagsusulit na ibininbigay ng mga guro. Ang tanging nagawa ko na lang ay tumingin sa kanya gamit ang aking naglalakihang mga mata.

" Tsk. Ganon na ba ako kasarap humalik nang di mo magawang magsalita?" aniya na may ngisi pang kasama.

Mas lalong lumaki ang aking mga mata na halos lumawa na. Doon na ako na tauhan kaya't dahil sa sobrang kahihiyan, agad akong tumayo at tumakbo palayo pabalik sa loob ng mansyon kahit na rinig ko ang malutong niyang halakhak.

" Oh, bat namumula ka friend, at ba't ka tumatakbo may humahabol sayo?" salubong sa akin ni Sheena pagkarating ko sa kusina.

" A-a-wala!" Sabay takbo ulit sa maid's quarter. Pagkapasok ko ay agad akong nagtungo sa aking kama at nagtalukbong sa kumot na para bang natatakot na may makakita sa namumula kong mukha.


Abala kami ngayong lahat sa mansyon dahil sa pagbabalik ng mag-asawang Villanueva. Tulad ng dati ay sa kusina parin ako natalaga. Labis na pag-iiwas na ang aking ginagawa kay Sir Miguel magmula nang araw na iyon. Paano ba naman kasi ay sa  tuwing nakakasalubong ko siya sa hallway ng mansyon ay laging may nakapaskil na pilyong ngiti sa kanyang mga labi na tila ba natural na lamang iyon sakanya. Nakakainis!

"Huy!" gulat ng kung sino.

"Ouch!" Dumaplis ang dulo ng kutsilyo ginagamit ko sa paghihiwa ng mga rekados sa aking hintututro dahil sa labis na pagkagulat.

"Shit! Im sorry! Are you okay?" 

Tila natuod ako sa aking kinatatayuan na marinig at makilala ang boses ng gumulat sa akin.

"Hestia" tawag niya na may halong pag-aalala na siyang nagpalingon sa akin.

" Ah, ye-yes Sir!" Pautal na sagot ko sa kanya.

" Are you really okay? Namumutla ka. Patingin nga." Sabay hablot sa aking kamay at tiningnan ang daliri kong nasugatan.

"Ayos lang po ako Sir, daplis lang ito. Malayo sa bituka." Sabi ko na lang habang pilit na hinihila pabalik ang aking kamay.

"Don't move! Lalo tuloy dumudugo. Hindi ka kasi nag-iingat e! " Pagalit na sita niya na labis kong kinagulat.

"Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ako nasugatan. Kung maka-gulat ka, wagas! At sarap mong..mong ikiss! " Ilang ulit akong umiling dahil sa iniisip para magising. My God! Pinag sasamantalahan ko na ba siya sa aking isip. Nahawa na ba ako kay Sheena?

"Damn!Your're not okay. Mukhang wala ka sa sirili. Maybe, your'e tired?"

"Hindi! Hindi po, ayos lang po talaga ako." Mabilis na sagot ko.

"Sir! Sir Miguel!" Isang tawag ang nagpalingon sa amin sa bukana ng kusina., kasabay ng mga ilang yapak kasunod non.

"Sir, tumawag ang mama mo, nagpapasundo na sila. Hindi mo daw sinasagot mga tawag nila" sabi ni Aling Sena na kahit nagsasalita ay nasa kamay ko na hawak ni Sir Miguel nakatuon ang mga mata niya.

"Shit! I forgot!" malakas na sabi ni Sir Miguel.

" Ayos ka lang ba friend?" Tanong ni Sheena na nakasunod pala kay aling Seny.

Bago pa man ako makasagot ay inunahan na ako ni Sir Miguel.

" No, she's not. Nasugutan siya at namumutla, she should rest for a while." Sabay bitaw sa kamay ko nang mapansin rin ang mga mala pusang mata ng mag-ina.

Mabilis na nakalapit si Sheena sa kinatatayuan ko si Sheena na bakas ang pag-aalala. Dahil alam niya na takot ako sa dugo dalot sa nangyari noon.

" Tara muna sa kwarto. Samahan ko muna siya Sir, Nay!" paalam niya sabay hablot sa aking kamay at mabilis na maglakad patungo sa aming silid.

"Patingin nga" pagkaupo palang namin sa aking kama ay agad na niya hinablot ang aking kamay na binitawan kanina ni Sir upang tingna kung saan ang nasugatan.

" Ayos lang ako. Ano ka ba! Wala lang to!"

"Alam ko na sa ating mahihirap ay wala lang tong maliit na sugat na ito, pero Hestia, iba sayo! Iba sa sitwasyon mo! Lalo na't may dugo!" mariing sabi niya na nagpatulala sa akin. " Sandali may band aid ako sa bag, lagyan natin"

Sabay punta sa kama niya at hinalukay ang bag upang mahanap ang sinasabing niya band aid at mabilis na lumapit sa pwestu ko pagkakita non sabay lagay sa nasugatan kong daliri.

"Sa susunod mag-iingat ka kasi, ayos ka lang ba talaga?" buong pag--iingat na tanong niya.

"Oo, ayos lang nga ako.Ang kulit niyo." sinabayan pa ng pekeng tawa at uwis ng tingin.

"Hay! Bakit pa nga ba ako nagtatanong, alam ko naman ang sagot." buntong hiniga niya.

Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa na tila ba sinasariwa ang nangyari nung gabing iyon. Ang gabing nagpabago sa buhay ko. Ang dilim ng gabing iyon na lumamon sa liwanag ng aking mga mata, na sa isang iglap lang ay nawala na ang lahat na meron ako at naiwang nag-iisa. Hindi ko na napigilan pa at sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha. Mga luha na tila ba walang katapusan sa pag-agos mula sa aking mga mata, mga labing kong walang tigil sa panginginig dahil sa pilit na kinukubli ang aking hikbi at pinapanatiling matatag ang aking mukha upang maitago ang aking labis na paghihirap.

Isang yakap ang bumalot sa aking katawan na nagpabawas sa aking bigat na nararamdaman. Yakap ng aking kaibigan na walang sawang umiintindi sa akin na kahit sino ay hindi matutumbasan. Naramdaman ko ang pagkabasa ng aking balikat marahil ay maging siya ay lumuluha na rin dala ng bigat ng sitwasyon na aking dinadala. Hindi ko na pinigilan pa at humagulgol sa balikat na aking matalik na kaibigan.

"Ate!" Hagulgol ko sa kanya.

"Shh. Sige lang ilabas mo yan. Nandito lang ako palagi para sayo bunso" sabi niya na mas lalong nagpaiyak sa akin ng husto. Ang swerte ko na may natagpuan akong kaibigan na turing na sa akin ay isang pamilya. Hinigpitan ya ang kanyang yakap sa akin na tila gustong ipabatid na nandito lamang siya palagi sa aking tabi at handang gawin ang lahat upang mawala ang aking paghihirap. Sa kanyang yakap nakaramdam ako ng ginhawa, ginhawang ninakaw ng tadhana sa akin noon pa man.

When The Moon lights The DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon