Romona"So bakit wala ka pang partner nun Ramona?" Tanong ng mga ingrata kong classmate. "Kalma guys di pa ako tapos itutouloy ko na"
Pasakay na ako ng Bus nun nang biglang sumakay din si Walt, sa di malamang dahilan."Hi gummy" sabi nya sakin
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya
"Hindi ah" sagot nya habang naka ngiti
"Tsk! Bat andito ka?" Tanong ko
"Wala akong dalang sasakyan" sabi nya
Medyo punuan ang bus at tayuan na din Habang patuloy sa pag andar ang bus patuloy din na sumisikip ito. hanggang sa maipit na ako.
"Aray!" Sigaw ko kaya naman naptingin si Walt sakin.
Nagulat ako sa ginawa nya nang hatakin nya ako at isandal sa upuan sabay hinarang nya ang buo nyang katawan para di ako mabangga ng mga tao.
"Nakakahinga ka pa ba?" Tanong nya sakin.
"Oo sakto lang" sagot ko
"Haha patangkad ka kasi, tignan mo naiipit ka tuloy" sabi nya sakin
Aba siraulo talaga to lakas mangasar pero totoo naman kasi maliit ako sa katunayan hanggang dibdib nya lang ako
"Mabaho na ba ako? Di kasi ako nakapag palit ng t-shirt" Tanong nya sakin, tumingala ako sa kanya
"Oo ang baho mo na" sabi ko
"Totoo!!!" Sigaw nya sa bus kaya naman napatingin ang mga tao dun
"Gummy! Mabaho na ba talaga ako?" Ulit nyang sigaw kaya mas lalong tumingin yung mga tao samin
Nagpipigil ako sa tawa dahil sobrang conscious nya sa sarili nya. Niloloko ko lang naman sya pero grabe sya mag react ang OA
"Wait kukuha lang ako pabango sa bag" sabi nya
Gulat na gulat ako sa ginawa nya dahil kahit sobrang sikip sa Bus nagawa nyang kunin yung pabango nya sa loob ng bag nya Pero mas nagulat ako nang mag spray sya sa loob kaya naman ang daming nag reklamo
"Ano ba yan! Mga kabataan talaga wala nang respeto!" Sabi nung babae sa tabi nya
"Sorry po sorry" sabi ko sa kanya
"Walt! Siraulo kaba bat ka nag spray dito" sabi ko sa kanya
"Sabi mo mabaho na ako" sabi nya
Di ko na talaga alam gagawin ko sa kanya kaya nag desisyon ako na bumaba na kami kahit malayo pa ako sa bahay.
"Gummy bat tayo bumaba?" Tanong nya
"Bobo ka kasi? Malamang ang gulo gulo mo sa bus!" Sabi ko.
"Kita mo reaction ni ate girl sa tabi ko? Galit na galit sya ih" Sabi nya sabay humagalpak sa tawa.
Pinapanood ko lang sya habang tumatawa.
"Hoy! Nagugutom ako kain tayo" sabi nya sakin
"Ayuko, mag gagabi na oh kailangan ko na umuwi" sabi ko.
"Dali na please!" Pilit nya.
"Ayuko nga napaka kulit mo naman" sabi ko.
"Uy! Gummy partner tayo sa P.E ah!" Sabi nya pero di ko sya pinansin

BINABASA MO ANG
Reminisce, Way Back 2002 (PG Story series #1)
RomanceThis story is based only by the authors imagination. It may content fictional characters, events and places.. This story is a teen fiction, it was started when class 1 decided to have a reunion to kenji's resort...while they are having fun, cookie...