CHAPTER 20

12 2 2
                                    

Ramona


Natapos ang klase namin sa isang nakakapagod at nakakatuyo ng utak na mga lesson...

Habang inaayos ang gamit ko nag paalam na sila Jiminah sakin na uuwi na sila and i say yes

Palabas na ako nang room nang bigla akong hatakin ni Walt sa braso

"Aray!" Sigaw ko

"Tara" sabi nya sakin

"San?? Wait san mo ako dadalhin" tanong ko

Habang hatak hatak ang kamay ko, nakarating kaming dalawa sa rooftop ng school building

"Oh? Bakit? Bat tayo andito" tanong ko

"Wala lang, gusto ko lang" sabi nya

"Tsk! Hindi lahat nang gusto mo Walt Gusto ka din ok?" Sabi ko, sabay taas ng kilay

"Ang sakit naman!" Sigaw nya, sabay tawa

"Muka ba akong nag jo joke?" Tanong ko

"Ang sungit mo naman" sabi nya

"Bakit mo ba ako dinala dito?? May sasabihin ka?" Tanong ko

"Andito ako para sabihing pinag tripan lang kita wala talaga akong gusto sayo hahaha" sabi nya sabay tawa

"Haysss buti naman at wala kang gusto sakin" sabi ko sabay ngisi

Di ko alam kung bakit ang saya ko nung sinabi ni walt na wala syang gusto sakin.. di ko alam ang dahilan kung bakit ganun ang naramdaman ko..

Kung tutusuin.. walt is a perfect guy na pinapangarap ng ibang mga babae.. pero i can't understand myself kung bakit ni kunting kilig wala akong maramdaman sa kanya...

"Uyy Ramona... Tara bilis!" Sigaw ni walt sakin

Lumapit ako sa kanya at tinanaw namin ang kalangitan

"Wow!! Ang ganda naman ng langit ngayon" sabi ko

Nakakamangha kasi yung langit nag iba ang kulay nito dahil sa pag lubog ng araw.

"Ramona, seryuso nga ako may gusto ako sayo" sabi nya

Sinamaan ko sya nang tingin

"Kulit mo naman.. di nga kita gusto" sabi ko

"Kahit gawin ko to" sabi nya

Nagulat ako nang hatakin nya ako at yakapin

"Bitiwan mo ako walt " sabi ko sa kanya

"Ramona, seryuso ako sa sinasabi ko.. gusto talaga kita" sabi nya, habang yakap padin ako

"Kung di mo man ako magustuhan sana wag mo magustuhan si gray or coen... Please" sabi nya sabay bitaw sa pagkakayap nya

"Tsk, ang OA mo walt ha kelan ka pa naging ganyan ka seryuso sa buhay.." sabi ko

"Please Ramona... Kung di mo din ako magu gustuhan damay damay na to hahah" sabi nya sabay tawa.

"Baliw ka! Di natin masasabi yan" sabi ko

"Ha?? Bakit!!! May nagugustuhan ka na ba.. isa ba saming tatlo???" Tanong nya

Ngumisi lang ako sa kanya

"Ramona!!! Kung pipili ka isama mo naman ako sa choices mo.. ok lang sakin kahit pangatlo ako basta kasama" sabi nya

"Siraulo ka talaga" sabi ko sabay tawa

"Kung magkaka gusto man ako sa iba.. im sure di ka kasama dun" dagdag ko pa

Reminisce, Way Back 2002 (PG Story series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon