CHAPTER 37

17 1 2
                                    

Jiminah


Habang tumatagal ang inuman dito, mas lalong nagiging intense ang kaganapan, dahil hindi na kaya ni Ramona ang uminom pinaupo nalang ni gray si Ramona sa tabi nya at binigyan ng juice.. si Walt at dewey naman ginawa nang tubig ang alak samantalang si victoria gulat na tinitignan sila.. ito naman si Jhina at Rodin kumain nalang at ang mayabang na si Sabrina bagsak na...

"Guys lets have another game.. since cookie and jiminah ay kaya pa, clarisse and i are also here.. what if lets have drink battle.. were going to spin this bottle and kung kanino ito tumapat sila ang pair na iinom.. " sabi ni margaux

"Ok! Go ako dyan!" Sigaw ni cookie

"Are you sure? Pano pag nalasing ka?"bulong ko sa kanya

"Yun nga gusto ko eh malasing" sagot nya

Nang paikutin ni margaux ang bottle saktong samin tumapat ni cookie

"Ok so drink it guys" sabi ni clarisse..

Nagulat ako nang biglang inumin ni cookie yung isang baso na kala mo walang nang bukas...

"Woooooo" sigaw nilang lahat when they saw cookie

"Girl, kalma lang" bulong ko sa kanya

"Spin it girl" sabi ni cookie kay margaux

"Ok" sagot nya sabay paikot ng bote at sa kanila naman tumutok..

"Mak, you're drunk ako nalang iinom nyan" sabi ni kenji kay margaux... Kaya naman binaling ko ang tingin kay cookie na na mumugto nanaman ang mga mata.

"Nope kenji! Sya ang iinom nyan walang saluhan" sabi ko

"Change the rule pwede na pala tayo mag saluhan.. kenji and i will be partner, i think coen and clarisse.. jiminah what do you think about hendrix? " Tanong ni margaux sakin

"Ako na! " Sigaw ni hendrix sabay lapit aa tabi ko

"And you cookie?" Tanong ni margaux

"I can handle myself" matapang nasabi ni cookie, pero halata sa kanya na gusto nya na umiyak

Nang paikutin nila ang bote, sakto naman na lagi samin tumatapat kaya sa bawat tapat nun si hendrix ang umiinom para sakin while cookie, she take it all...

"Cookie, you're drunk tama na" sabi ko sa kanya dahil may tama na sya

"No, jiminah i can manage myself" sabi nya

maya maya biglang naagaw ang atensyon naming lahat nang biglang mag sigawan sina walt at dewey dahil pareho na silang may tama..

"Sinabi ko na nga ba eh" sabi ni Victoria

"I think guys we need to end here, medyo nasa utak na nila ang alak" sabi ni jhina

At nang umagree kami pumunta na si hendrix, kenji, gray and coen para umawat..

"Walt, dewey tama na yan" mahinahon na sabi ni Coen

"Wag kang mangialam!" Sigaw ni walt sa kanya sabay tulak

"WALT!!!" sigaw ni gray..."tumigil kana!" Dagdag nya pa

"At bakit ako makikinig sayo? Di porket nakuha mo na si Ramona mag aangas kana" sabat ni Walt kay gray

"Siraulo ka talaga walt! Dahil di mo nakuha si Ramona, susulutin mo na si Victoria!!" Sigaw ni dewey

"Wala akong sinusulot dewey, dahil hindi naman kayo at malabong maging kayo!" Sigaw ni walt kaya bigla syang sinapak ni dewey

Reminisce, Way Back 2002 (PG Story series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon