CHAPTER 25

6 0 0
                                    

Victoria


Dahan dahan akong inalalayan ni coen na ihiga sa kama.. naka rating kami sa clinic nang halos nag aalala.. sobrang sakit talaga ng binti ko kaya hindi ako maka tayo.

"Dewey, babalik na ako dun ikaw nalang bahala kay victoria" pag papaalam ni Coen samin.

Naiwan kami ni dewey na magkasama sa clinic.. tahimik lang syang nakasandal sa pader na nasa tapat ko. Pinapakiramdaman ko lang sya kung anong ginawa nya habang nakasandal at nang dahan dahan kong inangat ang ulo ko nagulat nalang ako nang bigla syang lumapit sakin..."wag ka muna tumayo" sabi nya habang inaayos yung yung coat na pinatong nya sa hita ko.

"Pasensya na students pero hindi ko muna kayo maaasikaso kasi may emergency akong dapat puntahan" nag mamadaling sabi nung campus nurse.

"Emergency din po ito!" Sigaw ni Dewey sa nurse..

"Pasensya na pero kasi mas importante yung studyanteng nahulog sa hagdan kailangan nya dahil sa hospital" sabi nung nurse sabay takbo palabas.

"Bakit kasi isa lang ang campus nurse dito! Nag babayad tayo ng tuition tapos ganito?" Inis na sabi ni dewey habang nakasalubong ang kilay...

"Hayaan mo na malay mo mas malala yung nangyari dun sa studyante" sabi ko

Tahimik lang syang tumingin sakin at nag palinga linga sa loob ng clinic... Lumakad sya palapit sa cabinet na may mga gamot.. ginulo gulo nya yun dahil may hinahanap sya pero hindi nya yun mahanap kaya bumalik sya sa pwesto ko.

"Hilutin natin binti mo, mukang may naipit lang na ugat dyan" sabi ni dewey, dahilan para magtaka ako..

"Pano ka naman nakaka siguro na naipit lang ang ugat?" Tanong ko

"Naisip ko lang.." sagot nya

Ang weird nya talaga para syang alien na di mo maintindihan ang takbo sa isipan.. Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat... At dahan dahan nya akong inupo. ..

Nang makaupo ako lumuhod sya sa harapan ko at kinuha ang paa ko at pinatong yun sa tuhod nya.

"A...anong...gina..ga.wa... mo??" Mautal utal kong tanong

"Hihilutin natin kasi nararamdaman kong naipit lang ang ugat nyan" sabi nya habang pinipisil pisil ang binti ko

Tahimik lang ako nakatingin sa kanya habang pinapanood ang ginagawa nya.. hindi ko nanaman maipaliwanag ang nararamdaman ko para bang kinikili ang buo kong katawan, ano ba tong nararamdaman ko sa kanya is this love na ba?

"Masakit pa ba?" Tanong nya sakin

"Hindi na masyado" sagot ko

"Ok try mong tumayo" sabi nya, nilapag ko ang mga paa ko sa sahig at tumindig.."ngayon mag lakad ka" sabi nya, hinakbang ko ang mga paa ko palapit sa kanya.. pero di pa man ako nakakalakad ng malayo bigla akong natumba dahil sumakit ulit ang binti ko.. 

Pero bago pa man ako tuluyan bumagsak, nahawakan ako ni dewey sa bewang at napahawak ako sa balikat nya.... Pero ang mas nakaka gulat nang higpitan ni dewey ang hawak nya sa bewang ko sabay hatak palapit sa kanya..

Nanlaki ang mga mata dahil sa ginawa nya na halos mag dikit na din ang mga muka namin. Nanatili akong naka kapit sa balikat nya at sya nama'y mahigpit parin ang hawak sa bewang ko.

"Victoria try again and walk with me" bulong nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko..

Napalunok ako dahil sa nakaka kilabot nyang boses.. Para bang unti unting bumabaon ang mga salita nya sa puso ko at di na yun maalis sa isipan ko, this man is really amazing.. yung tipo nya na sobrang hina ng loob yung lalaking daig pa ang babae kung umasta.. pero itong lalaking kaharap ko ngayon..sya yung lalaki hindi ako hahayang masaktan...at sya yung lalaking handa akong tulungan.. dewey is the only man i trust. And his Beautiful voice make my heart flutter.... Ang hirap iaalis ang  panangin ko sa mga mata nya..

Reminisce, Way Back 2002 (PG Story series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon