Ramona
Its getting hotter today than yesterday..."Ma! Aalis na ako!" Sigaw ko sa nag bubunganga kong ina..
"Hoy! Molly may nag padala nanaman ng chocolate sayo"sabi nya, at nakangiti ng halos abot sa tenga.
"Oh anong gagawin ko? Eh kinakain nyo na naman agad. Ni di ko man lang mahawakan yun kahit nga balat wala. " Sabi ko
"Aba! Napaka damot mo naman! Kala mo naman ikinaganda mo yan.. oo simula ngayon di na namin kakainin yung chocolate mo! Napaka nito...kala mo naman talaga!" Sigaw nya
Ganito talaga si mama sakin simula palang nang bata ako. Lagi nya ako pinagsasalitaan ng masakit kahit wala naman akong ginagawa.
"Hayss ma ito nanaman tayo, pwede ba kahit isang araw lang Wag nyo naman akong sermonan, Nakaka irita na kasi.. araw araw nalang" iritableng sabi ko sa kanya.
"Aba talaga! Kung ayaw mo ako marinig nag iingay lumayas ka.. wala kang kwenta wala ka namang dulot dito sa bahay! Aral aral ka pa dyan sa magandang skwelahan bulok naman ugali mo pwe!" Dagdag nya pa
Sa sobrang inis ko sa kanya umalis ako sa bahay nang di nag aalmusal.
"Hayss makadaan nga muna sa Convenience store" sabi ko sa sarili ko.
Pag pasok ko sa loob kumuha ako ng dalawang sandwich at orange juice..
"150 lahat miss" sabi sakin
Pag bukas ko ng bag, nagulat ako nang bigla kong maalala naiwan ko pala wallet ko sa ibabaw ng Kama ko.
"Sh*t bat ngayon pa!" Bulong ko.
"Amh miss wait lang po ah" sabi ko sa cashier.
"Sure ma'am" sabi nya.
Lumabas ako sa convenience store at umupo sa waiting area, malapit sa bus station
"Pano na ko nito, walang almusal walang pamasahe papasok... Hays! Pag minamalas ka nga naman.!" bulong ko sa sarili ko habang nilalaro ang dahon sa paahan ko.
Habang nakayuko ako at nagiisip kung pano ako makaka sakay sa bus, laking gulat ko when someone gives me a plastic bag na may lamang pagkain.
"Oh, muka kang kawawang bata dyan" sabi nung lalaking nag salita
Nang iangat ko ang ulo ko i saw Walt standing in front of me.
"Ano yan?". Tanong ko
"Pagkain malamang" sabi nya
"San galing yan? Tsaka bat andito ka? Ano nanaman bang trip mo walt?" Sunod sunod kong tanong.
Hinawakan nya ang kamay ko at iniabot yung plastic bag.
"Nakakatampo ka, pag kay coen at gray ayos lang sayo pag ako hindi" sabi nya habang nakatingin sa malayo.
"Tsk, teka nga nag seselos kaba?" Tanong ko
"Oo nag seselos ako kasi feeling ko wala lang ako sayo" seryusong sabi nya
"Hahhaahha, seryuso bayan?" Tanong ko habang nagpipigil ng tawa.
"Tsk, hirap kasi sayo akala mo lahat ng sinasabi ko biro." Sabi nya
"Walt wag ka ngang OA dyan, magkakaibigan tayo dito ano ka ba naman"sabi ko sa kanya
"Bakit kasi... Ramona! Gwapo naman ako matangkad,May talent at Makinis... So bakit ayaw mo sakin" sabi nya
Lumapit ako sa kanya at tinapik ang braso nya.

BINABASA MO ANG
Reminisce, Way Back 2002 (PG Story series #1)
RomanceThis story is based only by the authors imagination. It may content fictional characters, events and places.. This story is a teen fiction, it was started when class 1 decided to have a reunion to kenji's resort...while they are having fun, cookie...