CHAPTER 6
Isla's POV
Nang makarating kami sa party ni Deo, gulat na gulat ito nang makita kami.
"Happy birthday," bati namin sa kanya.
"Thanks. How?" Naguguluhan niya pa kaming tinignan kaya naman tinawanan lang namin siya.
"Kain muna kayo," sabi niya nang makabawi at iginiya kami sa isang lamesa.
Nakatingin sa amin ang iba niyang kaibigan, hindi naman kasi kami 'yong tipo ni Alice na dumadalo sa mga ganitong klaseng party pero hindi naman ibig sabihin no'n wala na kaming kaibigan na mayaman. Marami kaso hindi lang talaga kami sumasabay pagdating sa mga kainan nila. Paano 'yong allowance nila ng isang araw, allowance na namin sa buong buwan at puwede na sa apartment ko 'yon.
"Hey!" bati sa amin ni Wendy.
"Oh my gosh! Akala ko hindi kayo pupunta," nakangiti nitong saad. Mabait naman 'to. We just talk for a while hanggang sa napagpasiyahan niya na ring makipagchikahan sa ilang kaibigan niya.
Nandito na rin naman kami, sulit-sulitin na namin ang pagkain.
"Iba talaga kapag mayaman, 'no?" tanong ni Alice nang natatawa.
"Kaya sulit na natin ang pagkain," sabi ko sa kanya at nagsimula ng lumamon.
"Boba, huwag kang kakain nang marami, ako lang pwede. Maglalasing ka, 'di ba?" Napanguso naman siyang napatango.
"Parang gusto ko na lang kumain." Natawa naman ako sa turan nito dahil nakita niya ang mga masasarap na pagkain.
"Bahala ka," sabi ko at nagkibit na lang ng balikat sa kanya.
"Do'n na lang kaya kayo sa table namin, Isla, Alice," sabi ni Randy kasama ang girlfiend niya. Talagang nakapulupot na ang braso nito rito.
"Huh? Hindi na, ayos na kami rito," ani ko na nginitian sila.
Napatingin naman ako sa mga regalo sa gilid. Saka ko lang naalala na ni isang regalo wala kaming dala. Medyo nahiya naman tuloy ako.
"Hey, pasensiya ka na wala kaming regalo."
"Tanga, binigyan ko siya ng t-shirt na galing sa palengke," bulong ni Alice.
"Boba, akala mo naman hindi niya 'yon mahahalata. Tingin pa lang alam na agad ng mga 'yan ang branded sa hindi."
"Hoy, grabe ka naman, Isla," sabi sa akin ni Deo na narinig ata ang bulong ko kay Alice.
"Ang ganda nga ng regalo ni Alice e. Thank you, Alice, ha?" nakangiting saad ni Deo.
"Sus, mga plastik," sabi ko at napairap. Tinawanan lang nila ako. Itong Alice na 'to ang sabi ay wala siyang balak pumunta.
"Kailan mo ibinigay?"
"Noong mismong birthday niya. Sabi ko pambawi dahil hindi tayo pupunta," sabi nito at napakibit ng balikat.
"Hey." Napatingin naman kami nang makita si Seven na kakarating lang. Mukhang ang bango-bango pa nito dahil fresh from bathroom pa. Nakasuot lang ito ng long sleeve at pants na black. Halos basang-basa pa rin ang buhok.
"Hoy, Pare, sabi mo ay hindi ka pupunta," ani Randy at binati itong si Seven. Sinamaan lang siya nito ng tingin.
"Gwapo naman," hindi ko mapigilang sambitin. Napatingin tuloy sila sa akin dahil dito. Kinurot ako sa tagiliran ni Alice ngunit natatawa rin akong inilingan.
"Huh?" nagtataka nilang tanong na nagulat sa akin. Tinuro ko na lang kunwari ang isang blue eyes na may dala-dalang alak, may iilang babaeng kumakausap dito. Blue eyes?! Si Alon!
BINABASA MO ANG
Hoy, Mr. Snatcher!
RomanceMataas ang pangarap ni Isabel Lara Emperyo. Sa kabila ng hirap ng buhay, kailanman ay hindi siya sumuko. Patuloy na bumabangon para sa kaniyang sarili ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi inaasahang pangyayari, nakilala niya ang snatcher...