CHAPTER 29
Isla's POV
"Isla, nandito ka na naman," sabi sa akin ni Neneng nang makita ako. Napailing pa ito sa akin kay nginitian ko siya.
"Hi!" sabi ko at kumaway pa sa kanya.
"Hindi ka ba napapagod?" tanong niya sa akin.
"Saan naman?" tanong ko ng natatawa.
"Diyan sa ginagawa mo," sabi niya na naailing pa.
"Bakit naman ako mapapagod? Para naman sa trabaho," sabi ko na lang at ngumiti.
"Lokohin mo lelang mo. Para nga ba talaga sa trabaho 'yan?" tanong niya na inilingan pa ako.
"Ang nega niyo talaga! Aalis na ako. Magluluto pa ako. Galing akong palengke, eh," sabi ko at tinaas pa 'tong hawak ko. Napailing naman siya sa akin. Natawa lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa bahay ni Alon.
Kumatok naman ako roon, hindi pa naman siya nakakaayos pero mukhang hindi na rin naman siya bagong gising. Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Ipagluluto kita!" sabi ko ng nakangiti at pumasok pa sa loob. Napailing na lang siya. Nakita ko namang may tinatrabaho ito sa kanyang laptop kaya hindi ko na lang pinansin.
"May pera ka naman pero bakit ba nandito ka pa rin sa iskwater?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya dahil ngayon lang naman siya mukhang good mood. Hindi niya ako sinagot. Snobber.
Nagpatuloy na lang ako sa pagluluto ng pagkain nito. Napatikhim pa ako nang makitang seryoso siya ngayon sa ginagawa. Busy'ng-busy ang lolo mo.
Nakangiti lang naman ako habang nagluluto. Nakakamiss din pa lang ipagluto siya sa umaga.
"Kain na," nakangiti kong sambit at nilapitan pa siya. Seryosong-seryoso ito sa kanyang ginagawa.
"Kain na po," pag-uulit ko. Nilingon niya naman ako ngunit binalik din ang tingin sa laptop niya. Agad naman ako napanguso dahil dito.
"Masamang paghintayin ang pagkain," sabi ko sa kanya kaya agad siyang tumayo para lumapit.
Napangisi naman ako roon. Siya kasi ang madalas magsabi sa akin noon kapag busy'ng-busy ako sa mga school works ko. Kahit na busy ako hindi pa rin pwedeng magpalipas ng gutom kapag kasama siya.
"Magtatampo." Tuloy niya pa at ngumiti nang tipid. Halos hindi naman ako makagalaw dahil doon. Ngayon lang ulit ito ngumiti sa akin dahil madalas ay sinisimangutan ako nito o hindi naman kaya'y laging nakakunot ang noo. Si Choco nga lang nginingitian niya!
"Come on, let's eat," sabi niya sa akin. Tinitigan ko naman siya habang seryosong kumakain sa tabi. Napataas naman ang kilay niya sa akin nang tignan niya ako, napansin ang pagkakatitig ko sa kanya.
"Kumain ka na." Pagsusungit na naman nito sa akin.
"Opo," sabi ko at ngumiti sa kanya nang malapad. Napailing na lang siyang tinitigan ako samantalang nakangiti lang ako sa kanya.
"About the interview..." Magsisimula pa lang sana ako ng bagong topic dahil hindi sanay sa katahimikan naming dalawa nang makita ko ang pagsimangot nito.
"Bakit? Hindi ba masarap?" tanong ko sa kanya dahil napatigil siya sa pagkain. Tinikman ko naman ang niluto ko.
"Masarap naman, ha?" hindi ko maiwasang itanong at napangusp pa.
"Did I even say it's not?" masungit na tanong niya. Napanguso naman ako.
"Do you really love your job that much?" tanong niya sa akin na pinagtaasan pa ako ng kilay.
BINABASA MO ANG
Hoy, Mr. Snatcher!
RomanceMataas ang pangarap ni Isabel Lara Emperyo. Sa kabila ng hirap ng buhay, kailanman ay hindi siya sumuko. Patuloy na bumabangon para sa kaniyang sarili ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi inaasahang pangyayari, nakilala niya ang snatcher...