CHAPTER 14
Isla's POV
"Hala, umalis na agad?" Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo nang nakaalis na naman agad si Alon.
Ilang araw nang tahimik ang isang 'yon. Kahit na mukhang napipilitan lang, sinasabayan niya pa rin naman ako kapag gabi.
Sa umaga naman ay magluluto lang siya at iiwanan niya na ako. Ni hindi ko nga alam kung anong problema ng mokong na 'yon. Pero kahit na hindi niya ako pinapansin, hindi pa rin nito nakakalimutang ipagplantiya, ipagluto, at ipag-igib tuwing umaga.
Napanguso naman ako dahil walang naghahatid sa akin ngayon. Hindi ko alam kung dapat ko ba 'yon magustuhan dahil madalas na kaabang sina Wendy and her friends kay Alon o dapat akong madismaya dahil sa una lang 'to magaling.
Ni hindi ko nga alam kung saan 'yon nagtutungo bago ako pumasok.
"Lonely ka na naman, ha?" tanong sa akin ni Alice nang natatawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong panahon para makipagbiruan.
"Bakit ba? Nag-away kayo?" tanong niya sa akin. Agad naman akong napailing.
"Edi bakit?"
"Hindi ko rin alam. Ewan ko roon."
"Alalahanin mo ang una niyong napag-usapan."
"Wala naman. Ang natatandaan ko lang 'yong inihatid kami ni Seven sa bahay tapos hindi na niya ako pinansin pa."
"Selos 'yon," ani Alice na nakangisi.
"Huh?"
"Ano ba naman kasi 'yan? Hindi mo pa rin ba nahahalata na gusto ka ni Seven?"
"Huh?"
"Oh, 'di ba? Hindi mo alam."
"Seven likes you, baka naman hindi mo pa 'yon napapansin. Obvious na obvious na."
"Baka pati 'yong pagtatrabaho ni Seven sa fast food chain hindi mo pa alam na para sa 'yo 'yon."
"Gago?"
"Ang sabi niya'y gusto niya ng bagong experience." Napailing na lang siya sa akin.
"Alam mo, boba ka talaga."
"Sa tingin mo kakain 'yon sa karinderya kung hindi dahil sa 'yo? Saka sa kaartehan ni Seven, pinahiram niya sa 'yo 'yong polo niya? Alam na ata ng lahat na gusto ka no'n, ikaw na lang ang hindi," natatawang sambit niya.
"Sa 'yo nga lang mabait 'yon. Suplado kaya 'yon!" sabi niya pa sa akin.
"Huh? Mabait naman siya sa 'yo, ha?"
"Mabait siya sa akin dahil kaibigan kita!"
"Hindi dapat ako 'tong nagsasabi nito sa 'yo lero dahil tanga ka at torpe ang isang 'yon, sige ako na." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ows?
"At si Alon? Type ka rin niyon. Talino mo pero manhid ka," sabi niya nang natatawa.
Buong araw tuloy ay naguguluhan ako kung totoo bang gusto ako ni Seven pero mas naguguluhan ako kung bakit hindi ako pinapansin ni Alon at kung totoo nga ba ang sinasabi ng letseng kaibigan ko.
"Is that seat vacant?" Nagising lang ako sa pag-iisip ko nang tabihan ako ni Seven, pakiramdam ko ay sasabog na ang utak ko sa pag-iisip.
"Ah, oo, sige upo ka lang," sabi ko na tinanguan siya. Ngayong sinabi na ni Alice sa akin parang mas naging obvious nga para sa akin ang lahat o baka naman binibigyan ko lang talaga ng meaning?
Hindi ko naman maiwasang maalala si Alon na halos lahat ng gamit ko'y siya ang magbubuhat kapag inihahatid ako rito sa school. Paano kapag sa iba na pala niya 'yon ginagawa kaya hindi na niya ako maihatid ngayon, wala naman kasing kami 'di ba? Kasi nakikitira lang ako sa bahay niya.
BINABASA MO ANG
Hoy, Mr. Snatcher!
RomanceMataas ang pangarap ni Isabel Lara Emperyo. Sa kabila ng hirap ng buhay, kailanman ay hindi siya sumuko. Patuloy na bumabangon para sa kaniyang sarili ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi inaasahang pangyayari, nakilala niya ang snatcher...