CHAPTER 9
Isla's POV
"Hey," bati ko kay Alon nang makita ko siyang nagtatapon ng basura dito sa gilid. Gulat naman siyang napatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Doon ako nagtatrabaho." Turo ko sa fast food chain malapit lang sa kanila.
"Huh? Bakit hindi kita nakikita?"
"Closing ako."
"Akala ko no'ng late kang umuwi noon ay dahil late ng natapos ang klase mo?" hindi niya maiwasang itanong na nakakunot ang noo. Hindi naman kasi nito alam na nagpa-part time rin ako ng gabi.
"Papasok na ako. Bye!" sabi ko at kumaway sa kanya. Pumasok naman na ako sa loob. As usual ay marami na naman ang customer kaya lang ay nagulat ako nang makita ko si Seven na kumakain dito. Hindi naman kasi ito madalas kumain sa ganitong mga lugar kaya nakakagulat na nandito siya ngayon.
"Hey," bati ko sa kanya nang makalapit.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Eating?" kunot noong tanong niya sa akin. Napanguso naman ako. Tama naman siya roon pero bakit dito?
"Dito kami magkikita ni Alice para sa report," sabi niya kaya naman napanguso ako at napatango. Gaga talaga 'yon. Halatang nang-aasar na naman.
"Oh, okay," sabi ko at nginitian siya. Sila kasi ang magkagrupo ni Alice.
Sinubukan ko namang tawagan siya dahil medyo magdidilim na at wala pa rin ito.
"Hoy? Nasaan ka? Nakakahiya ka, pinaghihintay mo si Seven dito," hindi ko mapigilang sambitin.
"Huh? Nandiyan na siya agad? Ang sabi niya'y mamayang 8 niya na lang dadaanan diyan?"
"Iaabot ko lang naman ang folder, madali lang 'yon," sabi niya pa sa akin. Pinatayan pa ako ng tawag ng gaga. Mayamaya lang din naman ay dumating na rin naman si Alice. Umalis na rin sila, nginitian ko lang si Seven na seryoso lang na nakatingin sa akin.
Pauwi na sana ako kaya lang ay agad na nagulat nang makita ko si Alon na nakaupo sa gilid ng fast food chain.
"Ay puking ina."
"Anong ginagawa mo rito?"
"Hinihintay ka."
"Huh? Bakit?"
"Delikadong umuwing mag-isa ng ganitong oras," sabi niya sa akin. Napanguso naman ako para itago ang ngiti. Aba, malandi ka talaga, Isla.
"Sanay naman na ako na ganitong oras palagi ang pag-uwi, nag-iingat naman ako," sabi ko at ngumiti.
"Habulin ka ng snatcher at holdaper, Miss," sabi niya sa akin kaya pinanliitan ko siya ng mata.
"Mukha ka kasing mayaman."
"Mukha pa akong mayaman sa lagay na 'to? Mas mahirap pa nga ako sa daga!" hindi ko mapigilang sambitin. Napatawa naman siya doon ngunit nagseryoso rin.
"Nagpalipat na ako sa closing, sabay na lang tayong umuwi sa mga susunod na araw."
"Huh? Hindi na kailangan! Kaya ko ang sarili ko." Hindi naman siya nagsalita tila pinal na ang desisyon nito.
Nang makarating kami sa tapat ng apartment ko ay nagpaalam na rin ito. Napangiti na lang akong pumasok sa loob ng apartment. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong nararamdaman ko pero ang sarap sa pakiramdam.
Ganoon nga ang madalas na mangyari. Lagi kaming sabay sa pag-uwi. Parang pahinga ko na rin ang ngiti mula sa mga labi nito kapag nililingon ako.
"Hoy, ang kanina ka pa?" tanong ko nang mauna na naman itong lumabas ng fast food chain kaysa sa akin. Medyo marami rin kasi 'yong kailangan naming gawin.
BINABASA MO ANG
Hoy, Mr. Snatcher!
RomanceMataas ang pangarap ni Isabel Lara Emperyo. Sa kabila ng hirap ng buhay, kailanman ay hindi siya sumuko. Patuloy na bumabangon para sa kaniyang sarili ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at hindi inaasahang pangyayari, nakilala niya ang snatcher...