Chapter 13

431 29 10
                                    

CHAPTER 13

Isla's POV

"Saan punta niyo?" tanong ni Deo nang makita kaming magkasabay palabas ni Alice ngayon. Itong kaibigan kong 'to hanggang ngayon hindi pa rin nagsasabi kung ano ng namamagitan sa kanila ni Deo.

"Maggo-grocery 'tong si Isla," sagot naman ni Alice. Napangisi na lang ako at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Bibili kasi ako ng stock sa bahay ni Alon dahil nakakahiya naman na siya na lang halos lahat ang gumagastos do'n.

"Hatid ko na kayo," sabi ni Deo. Aangal pa sana si Alice kaya lang ay ako na mismo ang nagsalita.

"Sige," sabi ko at ngumiti. Gusto ko lang asarin ang pesteng kaibigan.

Nang makarating naman kami doon, niyaya ko si Deo na sumama kahit na siguradong magiging third wheel lang ako sa kanila.

Madali lang din naman kaming nakabili ng mga kailangan kong bilhin. Kaunti lang din naman 'yon dahil wala naman akong malaking pera para bumili ng marami. Ako na ang inuna nilang inihatid, baka magde-date pa.

"Hoy! Ingat sa date," sigaw ko. Pinamulahan na agad ng mukha ang kaibigang kong si Alice. Napangisi na lang ako habang dala-dala ang mga pinamili.

Nasasanay na rin naman ang mga tao sa eskinita na ito na madalas akong makita.

"Wow, may pamalengke si Misis," sabi ng ibang nadadaanan ko. Hindi ko naman alam kung anong magiging reaksiyon ko kaya naman napakibit na lang ako ng balikat at ngumiti na lang sa kanila.

'Yong iba napapatingin pa rin sa akin kapag dumadaan ako pero 'yong iba mukha namang nasanay na sa akin. 'Yong Kakay lang talaga ang madalas mangmaldita sa akin, siguro'y dahil na rin may gusto kay Alon.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko si Alon na naglilinis ng bahay. Babatiin niya sana ako kaya lang ay nakita ang mga dala ko.

"Stock." 'Yong nakangiti niyang mukha kanina'y napalitan ng seryoso.

"Bakit bumili ka pa?"

"Duh, nakakahiya naman na wala akong naiaambag dito sa bahay mo," sabi ko na napanguso. Seryosong seryoso pa rin ang mukha nito.

"Hindi ka na sana nag-abala pa," sabi niya na nakasimangot. Pinagpatuloy niya na lang ang paglilinis na tila ba hindi natuwa sa ginawa ko.

"Grabe, bumili na nga ako ng pagkain natin."

"Sana inipon mo na lang kasi 'yang pera mo para makalipat ka na sa ibang apartment," sabi niya kaya napatigil naman ako do'n samantalang nagtuloy lang siya sa pag-aayos.

"Ah, Oo nga pala. Kailangan ko nga rin palang umalis dito," sabi ko na napangiti na lang nang mapait.

"Kung ganoon, aalis na lang siguro--" Agad niya namang pinutol ang sasabihin ko.

"Hindi sa ganoon, wala akong sinasabing ganyan."

"Ayaw ko lang manatili ka rito dahil alam mo naman kung gaano kagulo ang mundong nakasanayan ko. Deserve mo nang mas maayos, Isla."

"Sa tingin mo ba matatakot akong pasukin ang mundo mo? Sa totoo lang mas nararamdaman ko pa nga na bahay 'tong bahay mo kaysa sa apartment ko but I guess I was just really asking for to much. Pasensiya na kung masiyado akong selfish..."

"Hindi nga kasi sa ganoon. Gusto kitang alagaan, katulad mo, ngayon ko lang din naramdaman na bahay rin pala ito pero hindi mo naman kailangan bumili ng ilang stock para sa akin."

"Duh! Hindi lang naman para sa 'yo 'yan! Ang akin lang nakakahiya naman na nakikitira ako rito pero hindi man lang ako gumagastos."

"Of course, you won't. Wala ka pa namang sahod. Saka hindi na kailangan," sabi niya naman na nagkibit pa ng balikat.

Hoy, Mr. Snatcher! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon