Chapter 8

507 36 0
                                    

CHAPTER 8

Isla's POV

"Isla," tawag sa akin ni Aling Linda.

"Po?" tanong ko sa kanya at nilapitan siya.

"Aalis na ako. Hintayin mo na lang si Alon," sabi niya sa akin. Tumango na lang ako. Marami pa siyang bilin bago umalis.

Napatingin naman ako sa labas nang makita si Alon na may kasamang batang lalaki. 'Yon na ata ang anak niya. Ang sabi kasi nito'y dadalhin niya ang anak niya ngayong araw. Ipakikilala sa akin.

"Isla," pagtawag niya kaya lumapit ako sa kanila.

"Ito na ba 'yong anak mo?" hindi ko mapigilang itanong at nilapitan ang isang batang lalaki. Ang cute nito kaya mas lalo akong napangiti.

"Hi," bati ko sa kanya.

"Hello po," nakangiti rin niyang bati. Pinanggigilan ko naman ang pisngi nito.

"Hindi 'yan ang anak ko," sabi ni Alon nang natatawa. Pinagkunutan ko naman siya ng noo.

"Ayan, oh." Turo niya sa isang asong hindi ko naman alam ang lahi.

"Si Choco," sabi nito na ngumiti. Napatunganga naman ako bago ko na-realize ang sinasabi nito.

"Sabi mo anak mo!" hindi ko mapigilang sambitin. May pasabi sabi pa akong kaya kong maging ina sa anak niya pero pucha.

"Anak ko nga si Choco," sabi niya naman ng natatawa. Kinarga niya pa ang aso niya at pinakita 'yon sa akin. Tsokolateng-tsokolate ang kulay nito. Ngumiti ako at hinagod ang katawan nito.

"Sino 'yang batang 'yan?" hindi ko maiwasang itanong habang nakatingin dito sa batang lalaki na tahimik lang sa isang tabi.

"Si Gab, kapitbahay namin. Ang sabi ko dadalhin ko dito si Choco at iuwi na rin mayamaya pero nagpumilit na sasama kaya wala akong nagawa," sabi niya sa akin. Napatango naman ako roon.

"Gab, diyan muna kayo ni Choco sa isang gilid. Huwag makulit, okay?" tanong niya pa kay Gab. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan itong binibilinan ang batang lalaki.

Ilang oras ang lumipas na Tmtahimik lang sila habang nandoon pero nang natatae si Choco ay agad na nagsabi si Gab.

"Kuya, si Choco natatae. Dalhin ko lang sandali sa labas," sabi niya. Napatango naman sa kanya si Alon.

"Huwag masiyadong malayo at baka mabangga kayo," sabi ni Alon sa kanya. Tumango lang naman ito.

Pagkatapos namin manatili do'n ay niyaya nila akong sumama sa kanilang kumain sa labas. Dumating na rin naman kasi si Aling Linda at maaga kaming pinauwi dahil mukhang good mood ito. Baka nakachamba sa asawa.

"Ililibre ko lang itong si Gab ng ice cream diyan sa 7/11. Sasama ka ba?" tanong ni Alon. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.

"Kuya, pwede ba akong matulog na lang sa inyo mamaya?" tanong ni Gab kay Alon.

"Bakit na naman, Gab?" tanong niya sa bata.

"Kasi naman po, namimiss ko na naman ang lola ko," sabi ng bata na napanguso.

"Sige na nga," sabi niya at malungkot na ngumiti rito. Hindi ko maiwasang mapatitig lang sa mukha ni Alon na tila nag-aalala sa bata. Napansin niya naman ang tingin ko sa kanya.

"No'ng ninakawan kita, namatay ang lola nitong si Gab," sabi niya dahil nga nakatitig ako na tila nagtataka.

"Maski ang tatay nitong si Gab, walang perang magamit para sa pamburol ni Lola," pagkukwento niya.

"Kaya nagnakaw ka?" hindi ko maiwasang itanong. Tumango naman siya at malungkot na ngumiti.

"Gusto ko lang naman na mabigyan nang maayos na libing ang Lola niya dahil isa rin 'yon sa tumingin sa akin no'ng mga panahon na iniwan na ako ng nanay ko," sabi niya sa akin at napakibit ng balikat. Hindi ko maiwasang mapatitig lang sa kanya.

Hoy, Mr. Snatcher! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon