PLAYLIST #1: Rain

111 5 3
                                    

Episode 1: Hell Week
CHAPTER 1: RAIN

Rain,

Agad akong napatayo mula sa pagtulog nang makarinig ng malalakas na katok mula sa pinto ng inuupahan kong maliit na kwarto. Napakamot nalang ako ng ulo dahil ito na nga lang ang panahon ko para magpahinga may mang-iistorbo pa.

"Rain lumabas ka dyan"

"Hoy. Wag ma akong tataguan. Magbabayad ka o palalayasin kita?"

"Natutulog pa ata si Rain."

"La kong pake"

Base sa mga naririnig ko ay hindi lang isa ang naghihintay sa labas. Kaya nagmadali na akong tumayo para buksan ang pintuang kahoy na halos masira sa pagkalampag ni Tanda. Pagkabukas na pagkabukas ko ay pagmumukha agad ni Aling Fu tah ang bumungad sakin.

"Ano ho ba iyon Aling Fu tah?" bagot na tanong ko rito. Nilingon ko ang taong nasa likod nito. Si Sandra na katrabaho at ka schoolmate ko din. Umagang umaga hyper na hyper tong mga to. "Goodmorning Rain" bati nito.

"Aba akinse na! Asan na ang ipinangako mong bayad sa upa mo?" ang sungit talaga nitong matandang to'

Napakamot nalang ako ng ulo dahil sakto lang ang naipon ko para sa pambayad ng bibilhin kong libro para sa isa sa mga subject ko.

"Oh? Ano, yan ang sinasabi ko eh wag kas-"

"Tss Oo na eto magbabayad na."
Hindi ko na pinatapos yung sinasabi ni tandang Fu tah. Dumukot ako sa suot kong pantalon. Tatlong daan lang to.

"Oh. Aling Futah. Yan na muna mamayang gabi ibibigay ko yung 200 na kulang". Sagot ko sabay abot ng tatlong daan na dapat ay baon at pandagdag ko sa bayarin mamaya sa eskwela.

"Ano to?"

"Bayad sa upa" ano pa nga ba? Tss.

"Hoooy, apat na linggo ang utang mo sakin! Isama mo pa yung utang mong Ligo sardines nung isang araw. Aba't kung hindi ka magbabayad ngayong araw ay pupulutin ka sa kalsada". Sabay pamewang nito.

Napakamot ulit ako ng ulo nang maalala ko na mag-iisang buwan na pala. Buwan buwan dapat ang bayad ko dito pero eto si tandang Fu tah, eh linggo linggo naniningil kaya minsan nakakalito kung kailan ba talaga yung due date. Minsan kasi bigla bigla nalang maniningil tulad ngayon.

The Crushback Playlist [Boyxboy]Where stories live. Discover now