Rain,Kanina pa ako nahihilo kay John dahil pabalik-balik ito ng lakad. Simula nang malaman niya ang nanyari kanina sa club fair ay hindi na sila mapakali lahat. Nag-aalala daw sila para sa club namin. OA.
"Di mo ba ako papagalitan?" Tanong ko dahil alam ko na kanina pa siya may gustong sabihin, natatakot lang siya sa akin. "Mali yung ginawa mo kanina Rain" pagsisimula nito.
"Alam ko"
"Alam mo pala eh, Bakit mo pa ginawa?"
"Binastos nila tayo, Binastos nila yung club natin, Hindi pa rin ba ako lalaban doon?"
"Pero sinuntok mo yung anak ng may-ari sa school, yung pamangkin ng director." Mahinahon na yung boses niya pero may pag-aalala pa rin dito. "Wag mo na pagalitan si Rain, kasalan rin naman nila Lucas yung nanyari eh, at tsaka tayo naman yung nauna talaga sa pwesto doon" singgit ni Ericka.
"At sa tingin ko wala namang manyayaring masama eh" dagdag pa nito.
"Nasasabi mo lang yan Ericka dahil hindi ka naman scholar tulad namin" sabi nung isa sa mga kaibigan ni John.
"Mayaman ka naman diba"
"Oo nga"
"Pero concern lang di naman ako"
"Weh"
"Wag nga kayo mag away-away! Walang maidudulot na maganda to sa atin. Ang inaalala ko lang ay ang kalalabasan nito" Sabi ni John
"Paano kung ipatanggal nila itong club? Paano kung alisan tayo ng scholarship? Katulad sa nanyari sa ibang kumalaban sakanya? " Sambit nito. Seryoso ba talaga sila? Sino ba kasi dito 'yang Lucas na yan?
"Malamang ngayon, Nagsusumbong na yun sa Director." Dagdag pa nito. Tinignan ko yung mga kasama ko, Nag-aalala sila, marahil sa pag-aaral nila. At kapag nabuwag itong club ay hindi sila tatangapin sa iba pang mga club dahil ayaw nila sa mga mahihirap tulad namin.
YOU ARE READING
The Crushback Playlist [Boyxboy]
Teen FictionTHE CRUSHBACK PLAYLIST [boyxboy] [Playlist Series#1]