Yves,"Blah blah blah blah shong shing eneme eneme eneme oakfhdhdj 123 christmas tree, Singto ugh"
Wala akong naintindihan sa pinagsasabi nung teacher sa harapan. Paano ba ako papasa nito? Nahihilo ako sa numbers at parang hihimatayin ako pag nagsosolve.
Buti nalang nandito si Owen, atleast naiinsipire ako sa pag-aaral hihihihi.
"Huy! ano ka ba? Bring 1/4 sheet daw" kalabit ni Ericka sa akin.
Naglabas ako ng 1/4 na na paper at binigyan siya.
"Pst" nilingon ko yung grupo nila Elaine.
"Why po?"
"Anong Y? Penge kami eight na papel" hala bakit ang dami naman nila manghingi? Kurakot naman, sabagay may lahing politiko si Elaine, papa niya kasi na Congressman kasama daw sa BBS partylist.
"Bakit andami naman? Apat lang naman kayo ah?" Singit ni Ericka gurl.
"Bakit papalag?"
Binigyan ko nalang sila ng papel kaysa awayin pa nila kami ni Ericka. Feeling queen bee kasi tong Elaine na 'to eh
Nagsimula na ang exam at as usual, nag kopyahan lang kami ni Ericka dahil hindi naman ako nakinig sa descussion kanina. Nagcheck na kami ng exam and nagrerecord na ng scores si Ma'am.
"Ilan ka gurl?"
"3 over 30"
"Hala! ang daya mo! Bakit ako 2 lang?" Inis na tanong ko.
"Ano bayan Yves tatlo na nga lang nasagutan natin mali mo pa yung isa" reklamo ni Ericka
"Eto oh, mali ako dito" tinuro ko kay Ericka gurl yung number 11 gamit ang mamahalin kong ballpen para ipakita yung mali ko.
"Ay tanga kang bakla ka, Wala ka dapat whole number na sagot! Ang laki laki ng instruction oh, kokopya na nga lang mali pa" sabi nito sabay pinandilatan ako ng eyes.
"Hmmp. Okay lang grades doesn't define my future"
"Okay sabi mo eh, goodluck sa pangarap mong mag med school" say ni Ericka habang nag-a-ayos na ng mga gamit. Ready na for recess.
Ganun ba talaga yun? Kapag mababa ang grade wala nang pag-asa maging doctor? Nakakainis naman kasi ang baba na naman ng score ko. Pag nalaman pa to ni Hubby Owen baka ma-turn off pa siya sakin.
YOU ARE READING
The Crushback Playlist [Boyxboy]
Dla nastolatkówTHE CRUSHBACK PLAYLIST [boyxboy] [Playlist Series#1]