PLAYLIST #4: Bar

33 4 0
                                    

Rain,

Sinimulan ko na ang paglilinis dito sa kabilang side. Kung tutuusin ay halos wala namang kalat dito sadyang nag-iinarte lang tong Lucas na to. Pasalamat siya ay hindi ako komportable na iwanan nalang itong marumi, ayoko ng ganon.

Kanina pa ako walis ng walis at kanina pa din siya kalat ng kalat.

Nanadya ang peste.

"Alis na ako"

Padabog kong inihagis ang walis at dustpan sa lagayan nito at naglakad na paalis nang isang malakas na tunog ang kumuha sa atensyon naming dalawa.

Isang plastic vase na may lamang lupa na nagkalat na ngayon sa sahig. Pero wala na akong pakialam dahil hindi naman ako maid dito para ayusin pa iyon.

"Hey" tawag niya sa akin.

"Ano nanaman ba?"

"Fix it"

Hindi ko siya pinansin dahil nagsawa na rin ako sa paglilinis. Isa pa ay may trabaho pa akong dapat puntahan.

Nasa pintuan na ako nang hawakan niya ang braso ko para pigilan akong lumabas.

Inalis ko naman agad ito. Sunsuntukin ko sana siya dahil sa paghawak sa akin nang nakailag siya.
Sabi nang ayoko na may humahawak sa akin basta basta, nakakainit ng ulo.

"Ano bang problema mo?"

"Fuck? Ikaw anong problema mo? Bakit ka nanununtok bigla?"

"Tangina mo peste!" Sumabog na ako dahil kanina ko pa siya gustong murahin. Naiinis pa rin ako sa ginawa niya sa Club Fair, yung pagsira niya sa stall at yung paghawak niya sa akin.

Sira na yung araw ko dahil lang sa kanya.

"Hey watch your fucking word!"

"Alam mo ang yabang mo eh no? Akala mo kaya mong pasunurin lahat ng tao sa paligid mo! Porke ba anak ka ng may-ari ng school? At tito mo yung hilaw na director?"

"Ikaw! You have no rights to punch-" duro nito sa akin.

"Hoy!" Duro ko rin sa kanya.

"Wag mo kong ingles inglesin ha" Wala akong pakialam kung gwapo at mas matangkad siya. Yuck! Sinabi ko bang gwapo? Kadiri.

"Tss."

"Anong pinag uusapan niyo? Hehe"

Sabay kaming lumingon kay Yves na kapapasok lang dito.

"Why you're still here?"

"Ah naiwan ko yung bag ko hehe" pakamot kamot ito ng batok at kinuha na yung iniwan niya. Nakatingin lang kami ni Lucas sa kanya.

The Crushback Playlist [Boyxboy]Where stories live. Discover now