Episode 2: Fake Sakura
Yves,
*Yawn*
Grabe ang aga ko pala ngayon pumasok, di nga ata ako nakatulog eh, paano ba naman, nalaman ko kagabi na kontrabida pala si Lhong. Di tuloy ako nakatulog ng maayos. Hayys.
Doon muna siguro ako mag-iistay sa Club dahil its too early pa for a class. Buti nalang may duplicate ako ng susi na pinahiram sa akin ni ate.
I was about to use the key nang ma-notice ko na hindi pala ito naka-lock. May tao sa loob? Dali-dali akong pumasok para malaman kung sino ang tao sa loob—
"Kuya Lucas?"
Eh?
Bakut andito siya sa side namin? Lumagpas siya sa hati? Bilin kasi ni kyah Rain sa amin wag namin hayaan na may lumagpas sa nilagay niya na border. Omg! Don't tell me na magnanakaw siya ng bondpaper? Oh silly! syempre hindi.
"Hey" bati nito sa akin. Tinignan ko yung kamay niya kasi parang may hawak siya na kung ano. Sabi na eh may kinukuha siya na something dito.
"Why are you here kuya? Ano 'yang hawak mo?" Tanong ko. Ano kaya yung nakatago sa likod niya? Hmmm.
"Okay nevermind" sabi ko dahil wala naman siyang balak sumagot.
"Tss" sabi niya sabay balik sa side
nila. Ay? Ang sungit? Siya na ngalang ang nangunguha ng gamit dito siya pa galit. Wierd.Itutuloy ko nalang siguro ang pag-gugupit ng mga gagamitin para sa pagde-design dito para naman may pampalipas oras ako. Sinuot ko yung earphone ko at nagpatugtog ng anime soundtracks.
——after 30 minutes——
"Nasaan na ba kasi yung gunting?" Pagkukunwari ko nang tumingin ulit sa akin si Kuya Lucas. "Ah eto pala" huli ka boi.
Kanina ko pa kasi siya napapansin, parang 'di siya mapakali na ewan. Kanina tinawagan niya si Tito,( yung director ng University). Tapos tinawagan niya rin yung adviser niya kanina. Wierd talaga niya ngayon huh.
Dumating na rin kanina si John at Will dito kaya may kasama na ako sa pag-a-ayos.
Habang ino-observe ko si kuya Lucas sa pagka weird niya today, syempre ino-observe ko din yung ganap ni Will kasi kanina pa nakangiti sa phone niya, siguro kachat niya si Dee hihi bagay talaga sila. Balita ko nga da-
Wait,What?
Sumilip ako sa nakabukas na pintuan para makita kung sino ang dumaan? Who is— Waaaaa! Si Owen!
Why is he here? Don't tell me kasali siya sa Sports Club?
"John, I'll go na ah" paalam ko.
"'Ge lang"
Lumabas na ako para sundan si Owen my Husband. Hayys ewan ko ba, parang may magnet siya na tuwing nakikita ko siya hindi ako makapag pigil. Ganun ba talaga pag may crush? O ako lang to?
Dahan dahan lang yung lakad ko kasi baka mapansin niya ako. Huminto siya sa locker niya kaya nagtago na muna ako. Shems kahit yung pagbukas niya ng locker ang sexy!
Aha! Doon pala ang locker niya. Now I know kung saan iiwan ang mga love letters ko sa kanya hihihi.
Naglakad na ulit siya kaya dahan dahan ulit ako sumunod .
YOU ARE READING
The Crushback Playlist [Boyxboy]
Ficção AdolescenteTHE CRUSHBACK PLAYLIST [boyxboy] [Playlist Series#1]