Rain,
"Kita mo si Lucas kanina? Hahahah muntanga magpanic, anlayo sa sarili niya"
"HAHAHAHAHAHAHAA gagong 'to mamamatay na nga yung tao tawa tawa ka pa dyan"
"Sinong mamamatay si Rain o si lucas? I bet mauuna si Lucas atakihin sa puso WAHAHA"
"Ikaw ba naman na may mahimatay sa harap mo?"
"Sus! Yun nga ba ang dahilan? Hihi"
"Ano ba 'yan, bakit ang baho?" Bulong ko sa sarili ko pagmulat ko ng mata. Ang baho na nga ang ingay pa. At bakit nanghihina ako? Anong nanyari?
Nanunuyo pa ang mga labi ko at medyo masakit ang lalamunan ko, lalo na yung bandang ulo ko. Nakakahinga na ako ng maayos kaysa kanina.
Inilibot ko ang mga mata ko sa puting silid na ito. "Nasaan ba ko?" Medyo nanlalabo pa ang mga mata ko.
"Rain!?, Are you okay?" Ano yun? Bakit may boses ng demonyo akong naririnig?
"Ayan na! Gising na siya kyaa!"
"Tawagin nito na yung Nurse"
" Oy t*ngina wag kayo maingay baka manapak yan"
"G*gu! Ikaw kasi may kasalanan, naglagay ba naman ng harina sa unan amputspa!" Boses ni Dylan
"Alam ko ba na may hika 'yan? At ako ba yung humampas sa ulo niyan kanina?"
"Shhh! Baka magising si kuya Rain"
"Gising na nga eh"
Palakas ng palakas ang mga bulungan sa paligid ko kaya bumangon ako para sumandal.
Nawala ang antok ko kaya nakakita na rin ako ng maayos.
"Bakit kayo nandito? Ano'ng nanyari?" Tanong ko.
"Nawalan ka ng malay kanina, and muntik ka na ding hindi makahinga sa usok. You should've told us that you have asthma" nandito din si Lucas.
YOU ARE READING
The Crushback Playlist [Boyxboy]
Teen FictionTHE CRUSHBACK PLAYLIST [boyxboy] [Playlist Series#1]