Yves,Dala ko ang tatlong box ng chocolate papasok sa Sports and History Club room. Balak kong bigyan yung mga kaclub ko bilang pasasalamat sa pagtanggap sa akin yesterday.
Galing pa 'to sa factory nila papa. Bagong product to ng chocolate, hihihi sana magustuhan nila.
Grabe, napakabusy nilang lahat, may gumagawa ng papers, designs at kung ano ano pa. Next week na rin kasi yung Foundation Season.
Samantalang yung mga nasa other side nitong room ay walang mga ginagawa nakikita ko lang sila na inuutusan yung mga under nila na mga team leaders para gumawa. Hayys. Sana oll.
"Bakit ka late" maligayang salubong sa akin ni John. Actually medyo masungit yung pagkakasabi niya. Stress lang siguro.
"Traffic eh" I replied.
"Anuyan?" Salubong din ni Ericka gurl. Oh my! Bet ko ang kilay ni ate mo today! Straight kung straight.
Binigyan ko sila isa isa ng Red Chocolate Bars with Almond. Hindi ko pa rin sila kilala lahat kaya ito na rin ang aking one great chance to make friends. Buti walang class today. Yezz.
Nabigyan ko na sila lahat except kay Kyah Rain. "Nakita mo ba si Kuya
Rain?" Tanong ko kay Ericka gurl."Ayun oh"
Andoon siya sa pinakadulo nitong room na nagbabasa ng libro. Wala man lang balak tumulong samin. Pansin ko lang ha parang may pagkaloner ang peg ni lolo mo.
Pero sabi ni Ericka gurl ganyan daw talaga ugali niya.Grabe, kwento pa niya kahapon, di lang daw masungit si kyah Rain, ayaw din niya na nahahawakan, may pagka violent din daw kapag pinikon mo. At eto pa, last year daw may sumubok mam-bully sakanya, pero binugbog niya lang ang mga ito at iniwang duguan sa cr, walang nakakaalam kung bakit hindi siya na expelled, ewan ko kung chika chika lang ito ni Ericka gurl o totoo talaga.
Pero naa-amaze ako sakanya kasi first time na may makasapak kay Kuya Lucas. Ang astig kyahaha.
Idk why pero feeling ko mabait naman siya eh. Feeling ko lang ah. Kasi pinagtanggol niya yung history club kahapon.
Nalulungkot lang ako kasi nga dahil sa akin nagasgasan yung car ni Kuya Lucas. Naguguilty tuloy ako. Kagabi nga hindi ako nakatulog kakaisip ng mga bagay bagay. Una, yung pagkaguilty ko dahil ako yung dahilan ng pang-aaway ni Kuya Lucas kahapon, Then yung pag-iisip kung paano ako makakakupit ng chocolates sa factory ni Papa, Pangatlo yung diarrhea ng aso ko na si Chuchay, and Lastly, yung gwapo at hot na bago kong kaklase kahapon. Masyado akong madaming iniisip kagabi.
"Kya Rain?" Kinakabahan ako sa aura niya shems.
"Ano?" Hays hindi man lang siya tumingin sakin. Naka tuon yung attention niya sa book.
"Goodmorning!" I greeted him.
Tumango lang siya ng slight.
"para sayo po" inabot ko sakanya ang dalawang chocolate bars.
"Ayoko niyan" hala!
"Please tanggapin mo bilang 'thank you and sorry"
"..." hindi siya sumagot.
"Thank you sa pagtanggap sakin dito sa history club." sabi ko sabay bigay sa kanya ng isang bar.
YOU ARE READING
The Crushback Playlist [Boyxboy]
Teen FictionTHE CRUSHBACK PLAYLIST [boyxboy] [Playlist Series#1]