Rain,
"Paki bilisan nga. Tss"
Nakakabad trip tong magjowang nasa harap ko, ang bagal maglakad, sakop nila yung buong hallway eh, sarap itulak amp.
Naglalakad ako ngayon papunta sa Club dahil may kailangan pa akong tapusin na gawain, doon ko na rin siguro gagawin ang pag-rereview. Nakasanayan ko na kasing magbasa basa kapag walang ginagawa. Lalo na't kailangan kong mapanatiling mataas ang grado ko.
Pumasok na ako sa Club at pumunta sa mesa ko, Oo may sarili akong mala opisinang mesa dito, ewan ko ba kay John at sakin ipinaubaya 'to. Sakanya dapat to eh kasi siya yung president, eh ako yung mas may silbi kesa sakanya kaya siguro hinayaan na lang niya a ako yung gumagamit.
Wala pang tao dito kahit sa kabilang side ay wala din. Malamang ay nasa klase silang lahat. Hindi na muna ako papasok dahil alam ko naman na ang mga ituturo nila, magsasarili nalang ako dito.
Sinimulan ko na ang pag-aaral ko habang wala pang istorbo. Sana hindi pa dumating yung maiingay na mga tao lalo na yung Lucas na 'yon. Napaka-ingay niya pa naman pag nandito.
-
"Hello!"
Hindi ko pinansin si Yves na kakapapasok lang dito ngayon.
"Hindi ka ba maglu-lunch?... Hello? Uyy!Kyah Rain! Kain tayo? May baon akong sushi" Bakit ba ang ingay nito? Nakita niya bang may ginagawa ako dito? Parang timang.
"Ayoko" itinuloy ko na ang pagbabasa ko.
"Ay bakit naman? May allergy ka ba sa seafood?"
"..."
"Gusto mo 'to? May dala din akong maja blanca! Luto ni mommy" ano ba 'tong batang to. Napakakulit.
"Or ito, may dala ulit akong chocolates hihi"
"Yves, pwede ba? May ginagawa ako diba?" Pagkasabing pagkasabi ko no'n ay natabig ko ang baso na puno ng mga lapis at ballpen. Agad ko din naman itong pinagpupulot.
"Alam mo, bagay nga talaga kayo ni kuya Lucas" Mabilis kong inangat ang ulo ko sa sinabi niya.
Ano daw? Siraulo ba 'to?
"Ano'ng sabi mo?" Tanong ko.
"Ahh... wala, sabi ko pareho kayo ng ugali ni Kuya Lucas"
Ako? Si Rain Montebello, ikukumpara niya sa ipis? Ayos ah.
"Tss" mamamatay muna ako bago maging bagay kami. Kadiri! Nakakainis. Umiinit na naman tuloy ulo ko, Ang daldal kasi nitong burikat na 'to eh. "Totoo naman eh" narinig ko pang pahabol na bulong niya.
YOU ARE READING
The Crushback Playlist [Boyxboy]
Teen FictionTHE CRUSHBACK PLAYLIST [boyxboy] [Playlist Series#1]