Prologue

17.6K 461 30
                                    

"Kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi mo ako ma-aakit!" Sigaw niya sakin na ikina-halakhak ko.

"Hahahahaha!" pang-iinis ko pa sa kaniya, at mas lalong nilakasan.

"Crystal! Hindi na ito naka-tutuwa!" Sambit pa niya, at kita na sa mukha niya ang inis.

"Sinabi ko bang naka-tutuwa to ha?" Pilosopo ko namang sagot sa kaniya, na mas lalo niyang ikina-inis.

"Tsk! Ang sarap mong tirisin!" Gigil na gigil na niyang saad sa'kin. Kulang nalang ay kainin niya ako rito ng buo.

"Masarap akong tirisin? Uhmp, mas masarap akong mahalin." pang-aakit ko ulit sa kaniya, habang kinakagat ang ibaba kong labi.

"Masaya ka na ha? Masaya ka sa ginagawa mong pang-aakit sa akin? Ka-babae mong tao!" Galit niyang saad sa'kin.

Ouch! Masheket siya magsalita! Pasalamat siya, Mahal ko siya.

"Oo! Masaya ako sa ginagawa ko, lalo na't nakikita kong sumasaludo 'yang alaga mo sa tuwing inaakit kita." anas ko sa kaniya habang patuloy na kinakagat ang ibabang labi ko.

"Kababaeng tao, napaka-manyak!" Sambit naman niya, nakita ko naman ang pag pula ng kaniyang mukha.

"Manyak agad? Wow ha! Baka 'yang utak mo ang manyak! Totoo naman kasing sumasaludo sa'kin 'yang alaga mong aso ah! 'Di ba Brownie?" Anas ko sa kaniya, bago ako tumingin sa katabi niyang aso.

"Di bale nalang kung may isa ka pang alaga na sumasaludo tuwing nang aakit ako sayo." Anas ko ulit, habang pinipigilan ang aking pagtawa.

"Asa ka namang sasaludo 'to sayo!" Sagot naman niya, sabay tingin sa kaniyang kayamanan.

"Sinong manyakis sa atin, ha? Yung sinasabi kong ibang alaga mo ay yung alagang gumagalaw." sagot ko rin pa balik sa kaniya.

"Alaga ko rin naman 'to ah! Tsaka gumagalaw din 'to." pag-mamayabang pa niya sa akin.

Napataas naman ang kilay ko, "Weh? Patingin nga, tapos pa himas na rin. Tutal alaga mo rin naman 'yan hindi ba? Hinihimas ko nga si Brownie eh, kaya pwede ko ring himasin 'yang alaga mo na nakatago sa pantalon mo." Pamimilosopo ko pa sa kaniya, natatawa nalang ako dahil mas lalong pumula ang kaniyang mukha.


"Aish! Kung hindi ko lang misyon na bantayan ka! Kanina pa kita iniwan dito." Pagmamaktol naman niya sa akin.

"Epal ka! Ako rin naman may misyon ah!" Pagmamaktol ko rin sa kaniya.

Hindi lang siya ang pwedeng mag maktol dito, may karapatan din ako.

"Hahaha ano namang misyon mo?" Sarkastiko naman niyang tanong sa akin.

"My mission was to seduce you." pag i-english ko naman sa kaniya para cool pakinggan.

"Asa ka namang ma-aakit ako sayo!" Sumbat naman niya sa akin.

"Ouch nemen! Tignan lang natin kung hindi ka maakit sa isang Crystal Galvez. Let's see! 'Cause I'll do everything just to seduce you, Agent Joshua Falcon." sambit ko at iniwan siyang nakatunganga roon sa kinatatayuan niya.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon