Chapter 25

4.7K 127 2
                                    

Crystal Point Of  View

"Fudge! Anong nangyari?" Biglang tanong ko sa aking sarili, nang magising ako.

Nilingon ko naman ang paligid, at na pagtanto ko na narito pa rin ako sa restaurant. Kung saan kami kumain kanina ni Joshua.

Pero teka? Bakit ako nalang ang narito? Nasaan na si Joshua? Nasaan na kaya ang ibang waiter na narito kanina?

Agad naman akong nag panic, kaya mabilis kong hinanap sa bag yung cellphone ko upang tawagan si Joshua.

"Gash! Bakit wala rito ang cellphone ko?!" Inis na singhal ko, nang hindi ko makita ang cellphone ko sa bag ko. Natatandaan ko na nilagay ko rito ang cellphone ko. Sino naman kaya ang kumuha?

Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa inis. Tsaka ako tumingin sa lamesa. Agad namang natuon ang pansin ko sa isang papel na narito.

Teka? Bakit malinis na ang mesang ito? Bakit isang pirasong papel nalang ang nakalapag dito?

Bigla naman akong na curios sa papel, kaya agad ko itong kinuha at binasa kung ano ang nilalaman nito.

"Go outside"

"Pupunta ako sa labas? Ano naman kaya ang naroon? Ano ang gagawin ko roon?" Nagtatakang tanong ko sa aking sarili.

"Hindi masasagot ang katanungan ko kung hindi ako lalabas." Singhal ko pa, at dahan-dahan ng naglakad palabas sa restaurant na ito.

Nagulat naman ako ng makita ko na gabi na pala.

"Teka? May ininom ako kanina kaya ako nakatulog. Pero bakit ang tagal naman ng tulog ko?" Singhal ko pa. Bago tumingin tingin sa paligid ko.

Maya-maya ay may nakita naman akong lalake sa tabing dagat. Kaya tumakbo ako palapit sa kaniya.

Bumungad naman agad sa akin ang maaliwalas niyang ngiti, nakita ko rin ang isang papel na hawak-hawak niya. Kaparehas ito ng papel na nakita ko kanina sa restaurant.

"Uhmp, nakita mo ba si Joshua? Yung lalakeng kasama ko kanina sa restaurant?" Tanong ko, nang malapitan ko na siya. Napansin ko kasi na isa siya sa waiter doon sa restaurant na kinainan namin kanina.

Nagulat naman ako ng ibigay niya ang papel na hawak niya, imbes na sagutin ang tanong ko.

"Ano naman ang nakalagay dito?" Tanong ko pa sa kaniya. Ngunit tinitigan lang niya ako.

"Wala kang balak magsalita?!" Inis na singhal ko pa sa kaniya. Tango lang ang sinagot niya sa akin.

Kaya naman no choice ako kundi basahin ang laman ng papel na binigay niya sa akin.

"Turn to your right."

Hinayaan ko namang magtungo sa kanan ang mga paa ko. Hanggang sa may makita ulit akong babae na nakadamit pang waiter.

"Excuse me Miss, Can I ask yo—" natigil naman ako sa pagsasalita nang ibigay niya agad sa akin ang papel na hawak niya. 

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon