Chapter One

9.8K 319 37
                                    

Crystal Point Of View

Kanina ko pa napapansin ang puting van na sumusunod sa'kin, habang nag da-drive ako ng kotse ko. Hindi lang ito yung araw na sinusundan ako ng puting van na 'yan. Dahil araw-araw niya akong sinusundan, ngunit hindi ko nalang ito pinapansin. Baka isa rin ito sa mga taga-hanga ko, lalo na't sikat akong modelo rito sa probinsiya namin.

Binilisan ko naman ang pagmamaneho, ngunit mas lalo akong nainis dahil binilisan niya rin ang pagmaneho sa kaniyang puting van.

Matagal na akong sinusundan ng van na ito ah, ngunit hindi ko man lang alam kung sino ang may-ari ng van na iyan.

Nagulat nalang ako ng bigla akong nakarinig ng putok ng baril.

"Sheeeezzzzz!!!" pagmumura ko.

Napahinto naman ako sa pagmamaneho at tinignan kung saan tumama iyon.

"Fuck! Pinaputukan nila ang likod ng kotse ko!"

Hinanap ko naman kung nasaan na yung puting van, ngunit nakita ko nalang na nasa malayo na at paalis na ito.

"Anong gagawin ko nito? May nagtatangka na sa buhay ko." Kinakabahang saad ko sa aking sarili.

Kaya naman agad kong kinuha yung cellphone ko at tinawagan si Tito Alfred.

"Tito, help! Someone is trying to kill me." Natataranta ko ng saad sa kaniya, nang sinagot niya ang tawag ko.

"Okay, calm down iha." sambit naman niya na ikina-nga-nga ko.

"Really Tito? How can I calm down if there are Someone who always following me, they also want to kill me!" Inis ko ng saad kay Tito.

"Crystal you need some bodyguard. Don't worry, wala naman ng misyon ang anak ko ngayon. Kaya ipapadala ko na siya sa iyo para maging body guard mo." anas naman ni Tito sa kabilang linya.

Oh ghad! Don't tell me na si Joshua ang ipapadala niya sakin! Omo!

"Si Joshua po ba ang ipapadala ninyo Tito?" Pagkukumpirma ko pa kay Tito Alfred.

Si Tito Alfred Falcon ang Daddy ni Joshua Falcon. And Tito was the really close friend of my Father. Kaya naman napalapit ako sa kaniya. He also knows that I have a crush on his son, and he really wants me for his son. But sadly, his son doesn't want me.

"Yes. Ako ang magsasabi sa Leader nila na bibigyan siya ng misyon, at 'yon ay ang bantayan ka iha." natigil naman ako nang sumagot si Tito Alfred.


Sheez! How to calm? Parang tadhana na ang naglalapit sa'min ni Joshua.

"Really Tito? Thankyou so much." tuwang saad ko, habang kausap sa cellphone si Tito.

"Walang anuman iha, I need to end our call. I have something to do." huling sambit ni Tito bago in-end yung call. Bigla naman akong napangiti.

Well Tadhana na ang nag lapit sa aming dalawa hahahha. Hindi ko alam kung matatawag kong malas ang araw na ito o swerte dahil makakasama ko  na ulit yung long time crush ko. Hayst! Kung hindi ko man siya na akit noon, sisiguraduhin ko namang ma-aakit ko na siya ngayon.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon