Chapter 13

5K 170 20
                                    

Crystal Point Of View

"Natatakot ka pa rin ba?" Tanong sa akin ni Joshua. Habang kami ay naka-upo rito sa iisang kama.

"Oo, lalo na't hindi ko kilala kung sino ang taong gustong pumatay sa akin." sagot ko, habang nakatingin pa rin sa kisame. Napansin ko rin sa gilid ng mata ko si Joshua na nakatitig lang sa akin.

"H'wag kang matakot, nandito lang ako para sayo. Bago ka pa saktan ng taong 'yon, sinisigurado kong mapapatay ko muna siya bago ka niya masaktan." Seryoso nitong sabi sa akin.

Bigla namang bumuhos yung nagbabadya kong luha.

"Natatakot pa rin ako, paano nalang kung———" bigla namang tinakpan agad ni Joshua ang bibig ko gamit ang hintuturo niya.

"Tahan na, pinapangako kong walang makakapanakit sayo." sambit niya habang pinupunasan ang luha na nagkalat sa pisngi ko.

Hindi ko naman namamalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya, habang pinupunasan niya pa rin ang luha sa pisngi ko.

Isang dangkal lang ang mukha namin sa isa't isa, kaya kitang kita ko ang perpektong mukha nito.

Ang gwapo niya, lalo na at nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

Bigla namang napunta ang tingin ko sa labi niya. Sheez! Hindi naman siya naglalagay ng lipsticks pero ang pula ng labi niya.

Nakita ko rin ang paglunok niya, kaya kitang kita ko ang Adam's apple niya na mas lalong dumagdag sa ka-pogian niya.

Nagulat naman ako nang biglang magtama ang mga mata naming dalawa. At hindi ko namamalayan na hinahaplos ko na pala ang mukha niya.

"Crystal I——"

Hinalikan ko na agad siya, bago pa siya maka-pagsalita. Bigla naman akong na dismaya ng hindi man lang siya tumugon sa halik ko. Kaya naman ititigil ko na sana ngunit bigla nalang siyang nanlaban sa halikan namin.

Joshua pinned me on the bed and deepened our kiss. Kinakagat niya ang labi ko, sinisipsip ang dila ko at hindi nito nilulubayan ang mga labi ko.

I kissed him back with the same ferocity. Lahat ng aking nararamdaman para sa kaniya ay ibinuhos ko gamit ang paghahalik ko sa kaniya.

Humingal naman kaming dalawa ng naghiwalay ang mga labi namin.

"I-I'm s-so s-sorry." Kinakabahang saad sa akin ni Joshua. Habang iniiwas niya ang tingin sa akin.

"I'm so sorry, I'm just tempted." pag-uulit niya. Nakita ko naman ang panginginig ng mga kamay niya.

"Nah! Hindi mo naman kailangang mag sorry. Ako ang may kasalanan." tugon ko at yumuko sa harapan niya. "Alis muna ako." Pagpapaalam ko.

Pumunta naman ako sa kusina at nakita kong mahimbing na natutulog si Brownie. Ayaw ko sa mga aso pero pag hinahaplos ko ang katawan ni Brownie ay naliligayahan ako.

Nagulat naman ako nang tumabi sa akin si Joshua. "Akala ko ba ayaw mo sa mga aso?"

"Akala ko nga rin eh" sagot ko sa kaniya. Habang hinahaplos pa rin ang katawan ni Brownie.

Seducing Mr. Agent (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon