Irene's POV
PAANO NA TO?!
Pagka gising ko ay agad akong napatingin sa pintuan at nakita ko doon si mama at papa. Para namang pinaulanan na naman ako ng kaba linggo na ngayon at nung friday ko pa nalaman na ako ang eight member ng SBT naayos ko na ang lahat pati na rin ang visa ko at mga requirements ko at tanging ang approval nalang nila mama at papa ang kailangan ko.
Sasabihin ko na ba sa kanila?..
"Anak ayos ka lang ba?, bakit parang mukha kang namumutla?" nagtatakang tanong ni mama at lumapit naman sa akin si papa at kinapa ang noo ko.
"Ayos lang po ako" tugon ko sa kanila para hindi na sila mag alala pa.
"Uhm.. ma, ayos lang po ba sa inyo kapag nag pa boy cut ako?" tanong ko at kaagad namang nanlaki ang mata niya. Kilala ko si mama, masyado siyang maalaga sa buhok ko at ayaw nitong basta basta nalang pagupitan.
Bago pa man makasagot si mama ay agad ng nagsalita si papa.
"Oo naman anak, bagay sayo yung ganung gupit" aniya at tumingin naman ako kay mama.
"Teka bakit mo kasi naisipan na magpapa gupit ka ng ganun?" tanong naman ni mama sa akin.
"Kasi..."
Please brain cells makisama kayo...
"Mainit po kasi e, kaya iyon po naisipan ko na magpa gupit" pag sisinungaling ko sa kaniya at tumango na lamang siya.
Pumayag si mama?, Is this even real?!
"Pumapayag ka na ma?" tanong ko rito.
"Bakit ayaw mo ba?, sige pwede ko namang baw..." agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Thank you ma!" ani ko rito at tumango na lamang siya.
"O siya halika ka na at para maka pag almusal na tayo at para na rin makapag simba tayo" ani ni mama at tumango na lamang ako.
Agad na akong sumunod sa kanila para makakain na kami ng almusal.
"Bakit po parang bigla kayong pumayag na magpagupit ako?" tanong ko rito habang kumakain kami ng almusal.
"Kasi nitong mga nakaraang araw e napaka lambing mo, kaya parang reward ko na sa iyo yun. At isa pa napag isip isip ko na, hindi habang buhay ay ako ang mag de desisyon kung ano ang gusto mong hairstyle o ano mang gusto mong gawin sa buhay mo. You're already eighteen years old and it's considered that you're already an adult" aniya at tumango na lamang ako. Mabilis din kaming natapos kumain kaya agad na akong bumalik sa kwarto para maligo. Pagkatapos kong maligo ay isnuot ko na lamang ang light pink jumper dress ko at ang white oversized t shirt na nasa ilalim nito at nag white adidas rubber shoes na lamang ang isinuot ko para sa paa ko. Kinuwa ko na ang sling bag ko at inilagay ko doon ang cellphone ko.
Nakita ko sila mama at papa na naghihintay na doon sa labas ng makita nila ako ay agad ng pumasok sa loob ng kotse si papa at si mama naman ay nasa fromt seat and syempre nasa back seat naman ako mag isa.
BINABASA MO ANG
I'm His Fangirl (Bts Fanfiction)
फैनफिक्शनYna Irene Capistrano is one of the fangirl of the famous kpop boy group in the world. But then she had no chance to go to their concert nor a chance to see them personally because she doesn't have a enough money. Pero mukhang natupad lahat ng dasal...