Epilogue

41 9 0
                                    

A/N: Here's the epilogue guys at gusto kong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at mga magbabasa pa. Thank you and I love you all.




Irene's POV




IVAN AND SIENNA




Six years later...




Pinahmasdan ko lang mukha ni Shawn na tulog na tulog sa tabi ko.

After that engagement isang taon muna ang pinalipas namin bago kami tuluyang nagpakasal. Dito pa rin kami sa Seoul nakatira pero hindi na doon sa bahay kung saan kami nakatira dati. Na disband na rin ang SBT one year ago, ni ako rin ay sobrang nalungkot dahil dun.

Dahan dahan kong niyakap si Shawn habang nakatagilid siya.

Bahagya niyang iminulat ang mata niya at tumingin at ngumiti ito sa akin, wala pa ring kupas ang kagwapuhan niya kahit na ilang taon na kaming kasal. Parang mag boyfriend at girlfriend pa rin kami kung umasta kahit na mag asawa na kami.




"Good morning..." aniya at hinalikan niya ako sa labi.

"Good morning baby.." aniya sabay haplos sa malaki kong tiyan. Ka buwanan ko na ngayon kaya anytime pwede na akong manganak.




Nung nalaman kong buntis ako hindi ko mapigilang hindi matakot at kabahan at the same time. Natatakot ako kasi baka hindi ko kayanin pero ang sabi naman ni Shawn ay hindi naman niya ako iiwan habang nanganganak ako.

Hindi ako nag pa ultrasound dahil gusto kong kapag nanganak nalang ako ay doon ko nalang malaman.




"May gusto ka ba?" tanong niya sa akin at nag aalangan naman akong tumango sa kaniya.




Sobra siyang napuyat kagabi dahil sa kung ano anong pinabili ko sa kaniya.




"Anong gusto mo?" tanong niya at bumangon na ito at ganun din ako.

"Pink chocolate bar" sagot ko sa kaniya. Grabe ang pagkahilig ko sa pink ngayon at kapag pumupunta sila Sang Cheol dito ay gustong gusto kong pinagmamasdan si Sang Cheol, minsan pinipisil ko yung pisngi niya tapos ganun din yung ginagawa ko minsan kay Shawn.. ewan ko ba. Sinabi ko yun kay mama at mukhang si Sang Cheol at Shawn daw ang napaglilihian ko.

"Saan ako bibili nun?" tanong niya at nagkibit balikat naman ako sa kaniya.

"Sorry ha.." sambit ko sa kaniya at hindi ko naman alam kung bakit bigla akong naging emosyonal. Nakaka guilty kasi pinapagod ko siya lagi at kung ano ano ang inuutos ko sa kaniya.

"Hey, wag kang umiyak... atsaka ayos lang yun, bibilan kita nun okay." aniya at tumango na lamang ako sa kaniya.

"Tatawagan ko lang si Arcy para naman may makasama ka dito" aniya at tumango ako sa kaniya. Nang matapos niyang tawagan si Arcy ay lumapit siya sa akin.

"I miss you.." sambit ko sa kaniya. Inakbayan niya naman ako at ngumiti siya sa akin.

"Hayaan mo kapag nanganak ka pwede namang sundan natin kaagad, gusto mo gawin na.." bahagya ko siyang hinampas sa braso na ikinatawa niya.




Ang dumi talaga ng kokote ng lalaking to, kaasar..

Hindi ko naman maiwasang hindi mamula ng maalala ko yung honeymoon namin ugh.. kaasar naman...

I'm His Fangirl (Bts Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon