Irene's POV
PAIN
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng malaman ni Shawn ang totoo kong pagkatao, at simula din nun ay hindi na niya ako kinakausap o kinikibo man lang. Minsan nagpapaka busy siya sa work room niya. Isang beses nga ay doon siya nag stay ng buong araw, kapag sasabay ako kumain kila Nabi ay wala siya at malalaman ko nalang na nagpapadala siya ng pagkain sa katulong doon sa work room niya para doon kumain.
Tinatanong din ako nila Nabi kung nag away ba daw kami pero agad naman akong umiiling sa kanila. Kapag may practice ay mas lalo akong naiilang dahil may part sa bagong magiging music video namin na kami ang magkasama ni Shawn.
"Ivan, ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Sang Cheol sa akin. Kumakain kami ng almusal ngayon at hindi na naman sumabay sa amin si Shawn.
"Oo" sagot ko at pilit akong ngumiti.
Nakatingin sila sa aking lahat lalo na si Tristan na nasa tabi ko.
Tumango na lamang si Sang Cheol sa naging sagot ko. Wala kaming practice ngayon dahil sabado ngayon.
Mabilis din kaming natapos sa pagkain at niyaya ako ni Tristan sa may pool.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong niya sa akin ng makaupo kami pareho sa lagi naming tinatambayan.
"Ayos lang ako.." sagot ko rito at tipid siyang nginitian. Dala dala niya yung laptop niya at agad niya itong binukasan at inilagay sa lamesa.
He plugged in his earphone on the laptop at ipinasak niya sa kabilang tainga niya yung earphone at ibinigay niya naman sa akin yung isa na agad ko ko ding ipinasak sa tainga ko.
"Anong gusto mong panoorin?" tanong niya sa akin.
"Funny moments niyo nalang" sagot ko sa kaniya at nakita ko ang bigla niyang pag simangot.
"Iba nalang wag na yun" aniya at hindi ko mapigilang hindi matawa sa itsura niya ngayon.
"Bakit ba ayaw mo nun ang cute niyo kaya.." agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Sila yung cute hindi ako nuh" aniya at bigla itong nag pout.
"Bilis na yun nalang, ang boring kaya kung manonood lang tayo ng movie" sambit ko rito at wala na siyang nagawa at ni search niya na yung mga funny moments nila. Ako na ang nag play nun dahil mukhang ayaw niya namang i play.
Habang nanood kami ay tawa lamang ako ng tawa lalo na nung nag whisper challenge sila.
Ito namang katabi ko ay nakabusangot pa rin.
"Huy wag ka nga sumimangot diyan" sambit ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
I'm His Fangirl (Bts Fanfiction)
FanfictionYna Irene Capistrano is one of the fangirl of the famous kpop boy group in the world. But then she had no chance to go to their concert nor a chance to see them personally because she doesn't have a enough money. Pero mukhang natupad lahat ng dasal...