Irene's POV
OUR CONFESSIONS
Nang palabas na ako ng kwarto ay bigla akong napahawak sa gilid at bigla ko ring naramdaman ang paghawak ni Shawn sa braso ko.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin at tumango na lamang ako sa kaniya at ngumiti.
"Mag stay ka nalang kaya dito tapos hintayin mo nalang..." I immediately cut him off.
"Para namang ginagawa mo akong lumpo niyan e" sambit ko rito. "Medyo masakit pa konti yung ulo ko pero hindi naman ibigsabihin nun e, kailangan ko nang mag stay dito sa kwarto nang buong araw. Mas lalo akong manghihina" pagpapatuloy ko.
"Bahala ka, basta hindi na muna kita i tu tutor e masakit pa pala yung ulo mo e" aniya at napa pout na lamang ako.
Bahagya siyang napatingin sa labi ko at agad din itong umiwas ng tingin.
Agad kong itinigil ang pag pout ko.
"Tara na nga" masungit niyang usal habang inaalalayan ako.
Nang makarating kami sa kusina ay agad niya akong pinaupo doon sa upuan.
"Anong iluluto mo?" tanong ko sa kaniya habang nandoon siya sa tapat ng refrigerator.
"Ewan" simple niyang sagot.
Itong lalaking to talaga, kanina ang nasa mood tapos ngayon ang sungit na naman haysss..
Hindi nagtagal ay nagsimula na itong magluto at nang matapos ay inihain niya na, grabe may pa plaiting pa ang kimchi, napabusangot na lamang ako dahil sa nakikita kong cabbage rito.
Ayoko ng gulay huhu...
"Oh, bat ganyan yung itsura mo?" masungit niyang tanong nang makaupo siya sa tapat ko.
"Ayoko ng gulay..." usal ko rito sabay crossed arm.
"Tumigil ka diyan, kailangan mong kainin yan at wala ka ding choice kasi kapag hindi mo kinain yan, ikaw din naman magugutom" aniya at nagsimula na itong kumain.
Kaasar naman..
Nakasimangot kong kinain yung kimchi na nilagay ko sa plato ko.
Nang tikman ko ito ay natigilan ako.
Grabe ang sarap!!..
Napatingin ako kay Shawn na nakatingin sa akin.
"Ano masarap?" tanong niya at agad akong umiling. Siya naman yung napasimangot ngayon at ibinalik niya na yung atensyon niya sa pagkain
"Sobrang sarap.." sagot ko rito at agad siyang napatingin sa akin at napangiti.
Nang matapos kaming kumain ay binigyan niya ako ng paracetamol at isang baso ng tubig. Agad ko naman yung ininom.
"Ako na maghuhugas.." usal ko rito ng tumayo siya dala dala yung pinakainan namin.
"Diyan ka lang.." aniya at masama niya akong tinignan. Wala na akong nagawa at pinanood ko na lamang siyang maghugas. Nang matapos itong maghugas ay muli siyang umupo sa tapat ko.
BINABASA MO ANG
I'm His Fangirl (Bts Fanfiction)
FanfictionYna Irene Capistrano is one of the fangirl of the famous kpop boy group in the world. But then she had no chance to go to their concert nor a chance to see them personally because she doesn't have a enough money. Pero mukhang natupad lahat ng dasal...