Irene's POV
GOODNIGHT IVAN
Nasa kwarto ako ngayon, wala si Shawn dito at hindi ko naman alam kung saan nag punta dahil bigla nalang itong lumabas ng walang pasabi.
Habang magkausap kami ni Lola Jeila kanina sa skype ay bumalik din si Arcy. Hindi niya sinabi kung saan siya nag punta, habang magkausap kami ni kanina sa skype alam kong may problema siya at hindi niya lang iyon sinasabi sa akin.
Nakapagbihis na rin ako sa wakas at nakahilata ako ngayon dito sa kama habang iniisip ko kung tatawagan ko ba si Arcy o makikipag skype nalang ako sa kaniya.
Agad kong kinuwa ang laptop ko at binuksan iyon at tinawagan ko si Arcy. Agad niya itong sinagot at nakita ko ang pamumugto ng mata niya at pamumula ng ilong niya. Siguradong kakaiyak lang nito.
"Arcy... pwede ba sabihin mo sa akin kung may problema ka, kasi ang hirap manghula e at hindi ako sanay na nakikita kang ganyan." bungad ko sa kaniya at natigilan ako nang bigla siyang humagulgol sa iyak, nandun siya sa kwarto niya ngayon at sabi niya naman sa akin ay sound proof ang kwarto niya kaya panigurado ay hindi naman siyang maririnig sa labas.
"Hiwalay na kami ni Zack" aniya at napaawang na lamang ang bibig ko dahil doon.
"Sinong nakipag hiwalay, siya?" tanong ko sa kaniya at ilang segundo bago ito nag salita.
"Ako Irene.." aniya at mas lalong umawang ang bibig ko.
Nasaksihan ko kung paano sila magmahalan and just because of that naghiwalay agad sila.
"Bakit hindi ka lumaban, Arcy. Bakit hindi kayo lumaban pareho?" nanghihina kong tanong sa kanila. Pareho ko silang close ni Zack kaya sobra rin akong naaapektuhan sa break up nila.
"I..i can't. Kanina tinawagan ako ni Zack at niyaya niya ako na magtanan kaming dalawa mamayang gabi pero nahuli ako ni mommy at daddy na nag i impake ng gamit. Pinag bantaan nila ako na kapag nakipag tanan daw ako kay Zack ay baka kung ano ang magawa ni daddy kay Zack." aniya at hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa sitwasyon niya.
"At alam mo Irene kung anong pwedeng gawin ni daddy sa kaniya, maraming koneksyon si daddy at baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama kay Zack." pagpapatuloy nito habang walang tigil pa rin itong umiiyak.
Naawa ako sa kanila ni Zack. Sana nandun nalang ako sa pilipinas para kahit papaano ay na nadamayan ko siya...
"Tapos sinabi ko kay daddy na wag niyang gagalawin si Zack at ang kundisyon na ibinigay niya sa akin ay kung makikipag hiwalay ako kay Zack at magpapakasal ako kay James" sambit niya. I think yung James yung balak ipakasal sa kaniya ng mga magulang niya.
"Tapos pumayag ako Irene... pikit mata akong pumayag sa kagustuhan ni daddy. Nakipag hiwalay ako kay Zack through phone, blinock ko rin siya sa lahat ng social media accounts ko" aniya kaya mas lalo akong nanlumo. Parang bigla nalang nasayang ang lahat. Engaged na sila pero hindi pa pala sapat iyon, kahit sabihin mong engaged na kayo ng isang tao meron pa rin talagang ha hadlang at hahadlang sa pag mamahalan niyong dalawa. Pero depende nalang sa inyo kung patuloy pa rin kayong susugal o titigil na.
BINABASA MO ANG
I'm His Fangirl (Bts Fanfiction)
FanfictionYna Irene Capistrano is one of the fangirl of the famous kpop boy group in the world. But then she had no chance to go to their concert nor a chance to see them personally because she doesn't have a enough money. Pero mukhang natupad lahat ng dasal...