'Meron akong dala,
Munting sisidlan na puno ng ala-ala.
Sa loob nito nakatago ang libo-libong katauhan.
Nagpapalit ng anyo,
Minu-minuto nag-iiba ang pagkatao.Mga ngiting nagmula sa lupa
Na umabot sayo nguni't naging sumpa.
Sobrang nawasak!
Ang puso nyang hinati sa dalawa.
"Magkubli, magkubli" ang bilin ng sarili.Subali't isang salamin ang nagdugtong sa nasirang mundo.
Hindi maskara kundi mukha ang nakita
Sa huli kriminal parin ako na pumatay sa tunay nyang pagkatao.
Ngayon ang tanong, sino ako? —'Isang panaginip na nakakatakot ang sumakop sa munti kong kaisipan. Nanginginig, sabik na magising sa katotohan. Noong naimulat ko ang aking mga mata tila ba isang kasinungalingan nalang ang lahat.
Wala na akong lakas. Kahit sumigaw pa ng paulit-ulit wala pari'ng makikinig, Walang makakakita sa aking paglisan.
"Pakiusap...
Tulungan nyo akong makaahon!
Nalulunod ako sa bangungot ng ibang tao!"Muli akong humarap sa salamin at dalawang mukha ang nasilayan ko...
'Isang kamatayan at isang buhay na walang hanggan.'
BINABASA MO ANG
Nightmare Spell
FantasyThis is a story of Zen Writes who suffered from schizophrenia. She's a stupid person who has a power to manipulate humans. Who is she? Will she find peace inside the world full of lies? Let's find out her secrets Beware readers.. Read at your own r...