[ C A M I L L E 'S P.O.V]~
Dalawang araw na ako hindi lumalabas ng bahay. Tinatamad narin akong pumasok sa paaralan.
Ikinulong ko ang sarili ko sa loob ng kwarto. Ni-lock ko yung pinto para walang makapasok.
Aaminin ko mahina din ako.Lagi akong nagtatapang tapangan para kumuha ng atensyon ng ibang tao. Maraming ayaw sakin obvious naman kasi dalawa lang ang kaibigan ko sa school.
Parang nawalan ako bigla ng gana sa buhay. Ni minsan hindi man lang ako tinanong ng parents ko kung ok lang ba ako. Nasaan ba sila noong ako'y nangailangan ng tulong.
Napasabunot nalang ako sa ulo ko.
Maya maya may kumatok sa pintuan.nagtago ako sa kumot
"Nak Lumabas ka nga dyan maghapon ka nang nakakulong sa kwarto mo. Ano na naman bang problema mong bata ka!". Sigaw ni ma.
" umalis na kayo hindi ko kayo kailangan. Hindi nyo rin naman ako maiintindihan!!".
"Bahala ka hahayaan muna kita sa ngayon. Pero kung may kailangan ka tawagin mo ko. Nag-aalala na ako sayo ehh". Sabi ni Ma.
Hindi na ko nagsalita pa. Hinayaan ko nalang sya na umalis.
Ilang segundo pagkatapos mangyari yun nakarinig ako ng dalawang magkasunod na putok ng baril na nanggagaling sa ibaba.
Binuksan ko ang pintuan at sumilip sa labas.
Nakita kong may pumasok na nakamaskara may hawak itong katana na nasa kaliwang kamay nya at baril sa kanang kamay.
Napasigaw ako nung tusukin nya sa dibdib ang katulong namin. Hindi lang yun ang ginawa nya tinaga nya pa ito ng paulit ulit.
" Yaya!!!".Lumapit sakin si Ma habang umiiyak
"Anak tumakas ka na habang hindi pa huli ang lahat lumayo ka na dito ililigtas ko si yaya". Hinawakan ko ang kamay nya . Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak.
" mahh!sumama kayo sakin patay na si yaya!.papatayin ka rin nya kung mananatili ka pa dito!!MAAAHH". Tinulak nya ko papasok ng kwarto ko at nilock yung pinto. Narinig ko nalang ito na sumisigaw.habang marahas na pinapatay ng taong yun.
Natahimik ng ilang saglit ang buong paligid. Mga yapak nalang ng paa ang naririnig ko. Umatras ako palayo sa pinto sa lakas ng kalabog nito. Pilit nyang sinisira ang door knob.
'Pleaasse ayaw ko pang mamatay'. bulong ko nalang sa isip ko.
Napahagulhol ako.'Katapusan ko na!!'
Nagtago ako sa may kabinet.sakto naman na nabuksan nya yung pinto. Napatakip ako sa bibig ko. Ramdam ko ang luhang patuloy na umaagos sa pisngi ko..nakakatakot.
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Sinabi ko na nga ba't nakatago ka na hahahaha hindi ka ba natutuwa sa pagdating ko hmm?". Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kinaroroonan ko habang pinapadausdos sa sahig ang hawak nyang katana.
"Ako ba ang taya?AHAHAHA". Dugtong nya. Patuloy lang ako sa pag-iyak.
Pinipigilan kong wag gumawa ng ingay. Habang papalapit ang prisensya nya mas lalo akong kinakabahan.
*knock knock
Nanlaki ang mata ko nung kumatok sya sa cabinet na pinagtataguan ko.
" Isa..dalawa...". Napapikit nalang ako.
Nabuksan nya ang cabinet. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak nang umiyak.
"Parang awa mo na. Kung sino ka man. Please nagmamakaawa na 'ko sayo. Hwag mo 'kong papatayin!!". Lumuhod ako sa harap nya.
BINABASA MO ANG
Nightmare Spell
FantasyThis is a story of Zen Writes who suffered from schizophrenia. She's a stupid person who has a power to manipulate humans. Who is she? Will she find peace inside the world full of lies? Let's find out her secrets Beware readers.. Read at your own r...