C H A P † E R 4 : BAD DREAM

36 3 0
                                    

Location: Writes Residence, Ramsen village, Northeast
Time: 11:13pm

'Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata nakikita ko parin ang ang liwanag ng kamatayan. Baka pag nakatulog ako hindi na ulit ako magising'

Lumabas ako saglit ng bahay para magpahangin. Napakaraming bagay ang bumabagabag sa akin ngayon at sa tingin ko mababaliw na ako kakaisip kung ano ang aking iisipin haha. Kailangan kong mabuhay para sa lola ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang may narinig akong kaluskos na nanggagaling sa aking likuran.

" may tao ba dyan?".sabi ko pero walang sumagot. Papasok na sana ako sa loob subalit may tumawag saaking pangalan.

"Zen!". Tumaas yung mga balahibo ko

Hinanap ko ang taong tumawag sakin.

Hindi nga ako nagkamali...nakita ko sya nakasandig sa isang patay na puno. habang pinaglalaruan ang itim na paruparong dumadapo sa kamay nya. Sya yung taong nakita ko nung isang araw.

"Ikaw na naman!" Bulalas ko sa taong nakamaskara.

"Sino ka at bakit mo ako kilala?!.hanggang dito ba naman susundan mo ako?" Tumawa ito ng nakakaasar at unti-unting lumapit sa direksyon ko.

"Hindi ka takot sakin?"

"Bakit ako matatakot?" Pagkasabi ko nun bigla nya akong inatake. Gulat na gulat ako nung madaplisan ng blade ang pisngi ko. Naramdamdan kong may tumulong dugo mula rito.

Hindi man lang ako nakailag. Ang bilis nyang kumilos eh

"Humanda ka dahil sa oras na matanggal ko yang maskara mo katapusan mo na" gigil kong sabi.

Sa oras na matanggal ko yang maskara mo katapusan mo na.

Sinipa ko ang maliit na bato sa paanan ko at pinatama sa kanya.subalit nailagan nya lang ito.

'Magaling'

"Anong kailangan mo?".sabi ko habang binabato ko ng paso ang kinatatayuan nya na palagi namang naiiwasan.

"Ikaw ang kailangan ko. Nandito ako para patayin ka. Dahil habang nabubuhay ka hindi matatapos itong bangungot na nilikha mo at ng pamilya mo".

Sasaksakin sana ako buti nalang nahawakan ko ang kamay nya ng mahigpit.

" anong pinagsasasabi mo?"tanong ko ulit.

"Mapagkunwari ka talaga tss"

"Sumapin ka!" Binalibag ko ang kamay nya. Hindi nagpatinag ang loko kaya kumawala ito ng kulay lilang usok.

"Hindi mo ako mapapatay Zen".

"what's happening here?" Nagulat kami pareho.

"G-granny?" Saad ko

"Hanggang sa muli nating pagkikita Zen".

Mas lalo kong ikinagulat ang bigla nyang paglaho.

" Get inside!" Galit na ang matanda.

"I'm sorry Granny. Lumabas lang naman ako para magpaha-."

"What time is it huh? Aren't you thinking? I thought you're sleeping. And by the way who's that guy. Is he trying to kill you. Who is he?"

"I don't know Granny. Don't worry hindi naman po ako nasaktan."

"Liar.. And what about that wound upon your cheek?".

Nightmare SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon