C h a p † e r 2: DROWNED

45 3 1
                                    

"Professor tila ba may kakaiba sa ikinikilos nyo".   Puna ng mga ka-klase ko.

" w-wala ito" tugon nya

"Gumagana na ang sumpa. Sa loob ng isang minuto babagsak ang katawan mo sa lupa."

Panigurado namimilipit na yan sa sakit. Kapansin-pansin ang pamumula ng balat nya.

"M-may kukunin lang akong gamit sa office" nagmadali itong tumayo.

'Humakbang ka ng tatlo tiyak katapusan mo na'

"Oh my god professor!" Sigaw nilang lahat.

At hindi nga ako nagkamali.

"Tawagin nyo yung nurse sa clinic!"

"HAYP YAN DALHIN NYO NA SA HOSPITAL!" Agad na binuhat ng mga kalalakihan ang katawan nya.

Nanatili parin akong kalmado habang ang buong nilalang ay nagkakagulo sa apat na sulok ng aming silid.

'Ito na ang oras'

"Tinatawagan kita Seker na aking kaibigan. Inaalay ko ang kaluluwang ito sa magiting mong kaharian".

Gumuhit ako ng pentagon sa hangin at nag-alay ng dasal bilang tanda ng paggalang.

Ito ang ika-limang dimensyon na kung saan ako lamang ang nakakakita.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng lahat. Nakita ko nga si Seker dala-dala ang kaluluwa ni Professor Callinggé. Ginapos nya ang kamay nito na puno ng tinik
at dinala sa ilalim ng mga anino.

Sa hindi malang dahilan tumulo ang aking luha habang pinagmamasdan ang buong paligid.

[Seker: Patron of the living and god of the dead]

Aalis na sana ako nang biglang may humatak sa'kin palabas ng silid. Marahas nyang sinakal ang leeg ko. Napakalakas ng aurang nakapalibot saming dalawa. Hindi ko makilala kung sino dahil nakasuot ito ng itim na maskara na may nakaukit na buwan sa kaliwang mata nito.

" bitawan mo ako!" Sigaw ko sa kanya.

"All the evil you have done,all the harm you have caused me, shall return to you manyfold."

Habang binabanggit nya ang mga salitang iyon lumabas ang napakaraming paru-paro na kulay itim. Para akong naparalisa.

"Nasa ilalim ka na ng sumpa ko,
Ang kapalaran ng buhay mo ngayon ay magbabago. Magdudusa ang lahat ng taong hahadlang sa'yong nilalakaran.
At sa kabilugan ng buwan mamamatay ka."

Nawalan ng lakas ang buo kong katawan. Napapikit na lamang ako, umaasa na sana ilusyon lang ang lahat.

At pagdilat ko nawala na sya. Napahawak ako sa leeg ko na hanggang ngayon eh kumikirot parin sa sakit.

*cough
*cough

Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo.

"Arrghh umaatake na naman". Napahawak ako sa ulo ko.

Pagod lang ako kaya kung anu-ano na ang nakikita ko.

Umikot bigla ang paningin ko.

Bago pa man ako humingi ng tulong mabilis na nilamon ng kadiliman ang buo kong katawan. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Nightmare SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon