Kamusta na kaya si Gab. Simula noong pinatawag sya ng matandang lalaking iyon hindi na sya pumasok. Nakakalungkot wala tuloy akong kausap sa school maliban sa sarili ko.
Location: Library, Brigham University
Time: 11:11 am
20th day of AugustIsang bagay na natuklasan ko dito sa loob ng paaralang..ay ang kakaibang pag-uugali ng mga estudyante. Wala kang maririnig na kahit na anong chismis patungkol sa nangyari sa prof at classmate namin. Sabihin na nating weird pero yun ang totoo. Parang bigla nalang nawala ang ala-ala nila sa mga nangyari. Bakit kaya?
Gusto ko sanang kausapin si Gab tungkol dito pero palagi namang wala. Ilang days na hayysss.
Ngayon ko lang napansin kanina pa pala ako ikot nang ikot dito. Nakalimutan kong magbabasa pa pala ako ng maraming libro. Nagulat kasi ako sa ipinakitang talino ng mga kaklase ko feeling ko nga lahat sila valedictorian ehh. Halos araw-araw nalang parating may exam kung hindi naman oral recitation bibihira ang prrformance at group activity. Ayaw nila ng ganun kasi lahat selfish lahat gustong makalamang lahat gustong maisahan ang isa't-isa.
"Anong libro kaya ang magandang basahin? Hays makita ko pa lang ang cover tinatamad na akong magbasa" Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga librong nasa harapan ko.
"Mapanghusga ka. Eto basahin mo, General mathematics complete details yun o kaya yung modern mathematics madami kang matututunan". Gulat na gulat akong napalingon sa side ko. Hanep akala ko may librong nagsasalita.
" ikaw na naman? Wala ka bang ibang pwedeng mapuntahan. Parati mo nalang akong sinusundan!" Sigaw ko sa kanya. Nakalimutan kong library pala ito.
"Stupid. I'm here with my classmates,may group study kami! Baka ikaw ang sumusunod sakin." Sabi nya sabay turo dun sa nga kaklase nyang nakaupo sa round table sa side.
"May atraso ka pa nga sakin eh. Dahil sa ginawa mo hindi ako makapag-aral nandun kasi lahat ng files sa phone ko". Sabi nito na halatang galit.
" h-huh ako?. Bakit ako? Ikaw kaya itong bumangga sa likod ko. Kasalanan mo kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." Pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Nakaharang ka kasi!"
"Sino yung sumigaw?" Tanong ng librarian. Tinuro ko yung mokong.
"Humanda ka sakin"sabi nya at agad na umalis sa harapan ko.
" mahulugan ka sana ng libro".
"Aray!". Wow walang ilang segundo nagkatotoo ang sinabi ko. Lihim akong napangisi. Salubong ang kilay nitong humarap sa'kin.
" what?". Natatawa kong tanong.
"Ikaw ba ang gumawa nun?"
"Huh?. Nope . Napakalayo ko sayo oh. Paano ko naman magagawa yun? Pftt."
"Stupid." Walang kaemo-emosyong sabi nya. Ngumiti nalang ako ng malapad.
"Nawala tuloy sa isip ko ang librong hinahanap ko aishh." Napasabunot nalamang ako.
"Hey Zen!"
'Ayan na naman sino naman k-'
"Uh V-Videl"
"Pwede ba tayong mag-usap? Tayong dalawa lang. Pakiusap". Mahinang sabi nito.
" why?". Pagtataka ko
"In private please?".
Sumenyas sya sa'kin kaya sumunod naman ako. Napakatahimik ng isang ito. Pero noong nakaraang araw hindi ko sya nakita sa loob ng classroom.
BINABASA MO ANG
Nightmare Spell
FantasyThis is a story of Zen Writes who suffered from schizophrenia. She's a stupid person who has a power to manipulate humans. Who is she? Will she find peace inside the world full of lies? Let's find out her secrets Beware readers.. Read at your own r...