C H A P † E R 8: THE AWAKENING

17 2 0
                                    

[SOMEONE'S P.O.V]

"Tulong! Pakiusap. Pakawalan nyo na kami!"

Iyan parati ang naririnig ko sa tuwing nakikita nila akong dumadaan sa harapan ng mga selda. Gustong gusto ko na silang patayin pero hindi pa pwede. Kailangan ko pang tapusin ang mga nasimulang plano. Gagamitin ko pa sila bilang natitirang alas ng kampo namin. Kailangan ko munang patayin ang anak ng mangkukulam.

Nalalapit na ang kabilugan ng buwan at magaganap narin ang pinakakahihintay na digmaan sa pagitan naming mga Black society at mga sorcerer.

Humanda sila, matitikman na nila ang galit na matagal ko nang tinatago. Higit pa sa kamatayan ang ipaparanas ko sa kanila. Kaya humanda ka ZEN.

Tinanggal ko ang suot kong maskara at humarap sa salamin.

"HAHAHAHAHA NAKIKITA KO NA ANG NAPAKAGANDANG BANGUNGOT!!!"

'Ako lang ito ang pinakainosenteng nakilala nya, ang taong lubos nyang pinagkakatiwalaan, ang taong karamay nya..'

"Master! May nagwawala po sa ika-apat na selda!". Sabi ng isa sa mga kawal ko.

Isinuot kong muli ang maskara at humarap sa kanya.

" Sunugin mo ang katawan nya hanggang sa madurog ito at tuluyan nang maging abo."

"Masusunod po master!"

Pagkaalis nya ay may dumating na naman na bagong kawal.

"Master may natanggap po akong bagong balita."

"Sabihin mo na."

"Kumikilos na ang isa sa mga disipolo mo. Sinubukan nyang patayin si Zen." Wika nya na ikinatuwa ko.

"Sino sa labintatlo kong disipolo ang may gawa?" Pagtataka ko.

"Si Videl Alcatraz".

" uhh".

Napapalakpak ako sa tuwa. Di ko akalain na ang pinakamabait pa talaga sa lahat ang gagawa nun. Magaling!.

"Salamat sa napakagandang balita, makakaalis ka na". Nakangiti kong sabi.

" Masusunod" yumuko muna ito bago umalis.

"Hmmm. Nakakaawa ka. Nasasabik na akong makita ka Zen". Humarap akong muli sa salamin at ngumisi.

[ZEN P.O.V]

"Granny, I am really really sorry about what happened a while ago. Hindi ako naging maingat. Huli ko na nalaman na kabilang pala sya sa black Society.  Kung hindi ko pa makita ang tatoo sa mga kamay nya.  Ang crescent moon na sumisimbolo sa grupo nila."

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ng matanda. Sobra akong natatakot at nahihiya dahil naging duwag ako.

"I knew it Zen nakatakdang mangyari ang mga bagay na ito. Hindi habang buhay ay kailangan nating magpanggap at magtago. Parating na ang digmaan."

"Kailangan parin nating mag-ingat lalo pa't hindi natin kilala kung sino ang mga taong nasa paligid natin at kung sino ang dapat na pagkatiwalaan."

"Hindi ko inaasaan na may makikita pala akong kaaway sa lugar na iyon. Malamang may iba pa syang kasama" seryoso kong sabi.

"You should rest first. Alam mo namang doble ang dinaramdam mo ngayon." Pag-aalala ng matanda. Hinawakan nya ako sa ulo bago lumabas ng kwarto.

Medyo ok naman na ako. Hindi naman gaanong malalim ang sugat. Bakit kasi hindi ko nagamit ang spell sa kanya. Ang tanga ko talaga.

Aishh kailangan kong tawagan si Alberto. Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan ang loko.

Nightmare SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon