[ZEN'S P.O.V]
Lahat sila nagulat sa nangyari kay Missy Bañes. Napakasaklap ng mga nangyari sa kanya.
Pinigilan sya ng mag estudyanteng tumawid sa kalsada subalit nagpumilit ito kaya nabangga sya. Sinabi ng lahat na sinadya nya talagang gawin iyon.
Nasa canteen ako ngayon, mag-isa. At ang nakakainis pa.. lahat sila pare-pareho ang pinag-uusapan. Parang gusto ko tuloy paliparin itong plato. Ipinatong ko nalang ang ulo ko sa mesa nawalan na ko ng ganang kumain.
"Isang buhay na naman ang naialay ko." Bulong ko sa sarili ko.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Hindi sana aabot sa ganto kung hindi sila humarang.
"Hey, can I sit here?". tanong ng isang pamilyar na boses. Salubong ang kilay kong napatingin sa kanya.
" Hoy" walang emosyon nitong sabi at agad na ipinatong yung dala nyang pagkain sa mesa saka umupo sa harap.
Grabe. Hindi pa ako pumapayag ahh.
"Pwede ka naman na umalis kung ayaw mong kumain." Sabi nya.
Ganun parin ang reaksyon ko sa kanya. Ayokong umimik masama ang loob ko. Wala rin ako sa mood makipag-usap sa mga taong walang kwenta.
Eto lang ako nakatingin lang sa kanya, hindi kumikibo.
"Stupid". Bulong nito.
'Bahala ka dyan kausapin mo sarili mo dude' sabi ng isip ko.
"Sa dinami dami ng taong makikita ko ngayong araw ikaw pa talaga. Hindi naman kita kilala pero naiinis ako sa pagmumukha mo." sabi nito habang nilalantakan yung pagkain nya.
Napahampas ako sa noo ko. Ewan suko na talaga ako. Ayoko na ng 'walang imik challenge'. Pag sa kanya lang kasi hindi ko mapigilan ang bibig ko na magsalita.
"Kung naiinis ka sa pagmumukha ko mas naiinis ako sayo. At isa pa hindi ako pumayag na umupo ka dito". Sagot ko. Sinamaan nya ako ng tingin.
"No choice eh. Dito lang ang bakante. Tsaka naaawa ako sayo mag-isa ka na naman tsk tsk." Pailing-iling pa ito. Inilibot ko ang paningin ko, punuan nga.
"Inborn na 'ko dun. Simula pagkabata mag-isa naman talaga ako" mahina kong sabi, alam kong narinig nya.
"Tsss"
Sabi ko na eh. Panigurado aasarin na naman ako nito.
Kanina pa ako nakatingin sa pagkain ko na hindi man lang nagalaw. Nasayang tuloy pera ko.
"Kakainin mo ba yan o hindi?" Naiinis nyang sabi.
Wow. Kapal. Eh ano naman sa kanya kung kakainin ko o hindi? Ipalamon ko pa sa kanya yan.
"Nahh nawalan ako ng gana. Dumating ka kasi". Say ko
" luhh. Bakit ako pa ata may kasalanan? Kumain ka na napakaengot mo kasi kung ano ano iniisip mo eh." Sabi nito
"Wala kang pakialam!" Sigaw ko sa kanya yaan tuloy naging center of attraction kami ngayon.
"Grabe si ate girl sinisigawan nya lang ang may-ari ng school"
"Apatay pag nalaman yan ni Mr. Gregory kick out yan naku"
Pagpaparinig ng mga tao sa loob.
May-ari ng school?
Totoo ba sinasabi nila? Bakit sino ba itong nasa harap ko? Bakit ako makikick out?"F*ck bakit mo ako sinisigawan?" Galit na naman sya. Wala akong nagawa kundi pakalmahin ang sarili ko. Baka mapaalis na naman ako na wala sa oras.
"Eh ikaw nauna eh!" Halos maibulong ko yung sasabihin ko.
"Bakit natahimik ka? Nakakatakot ba yung mga salitang narinig mo sa kanila?" Jusmiyo kumukulo na naman dugo ko. Magpigil ka self nakakailan ka na
"No I'm not. Nahilo lang ako" palusot ko. Hinawakan ko kunwari ulo ko.
"Kumain ka na kasi" yung boses nya....pa-fall.
"Fine". Kinuha ko na ang kutsara at nag-umpisang kumain.
"Alis na 'ko" Nakatalikod na ito saakin pero bigla pang humarap.
"What?" Tanong ko.
"Your name?"
"Huh?"
"I said your name". Bakit ba parating walang emosyon lagi ang lalaking ito pag nagsasalita parang ewan.
" you can call me dude or bruh". Nakangisi kong sabi.
"You serious?" Naiinis na naman nyang tanong
"Always" this time nakangiti na talaga ako.
=....=
"Hahaha here". Kumuha ako ng kapirasong papel at ballpen sa bag ko at isinulat ang salitang...
Anonymous
Nilukot ko iyon at binato sa kanya buti naman at nasalo nya.
"Stupidity" tanging nasabi nya.
Natawa nalang ako. Napangiti ang loko habang binabasa nya yung isinulat ko.
"Good bye anonymous". Sabi nya at kumaway pa talaga.
" ngiti ka lang para kang aso" pagbibiro ko na ikinainis nya
"Eh pakilala ka muna bago ka umalis". Seryoso kong sabi habang pinaglakaruan yung tinidor
"No need. Malalaman mo din naman ehh pagkalabas ko ng canteen". Sabi nito habang umaalis palayo sakin.
'Ok?. Ano naman kaya iyon'
Mukhang nakita ko na yung katapat ko ah. Sana naman hindi ka katulad ng iba. Haysss dapat lalaki nalang ako eh puro lalaki nalang ang nagiging mabait saakin. Ay mali hindi pala mabait ang lalaking iyon.
Pinagmasdan ko sya habang tinatahak ang daan palabas.
" hi matthew!" Tili ng isang babae malapit sa kanya.
"Ang pogi talaga ni koya Matthew"
"Kyah kyah!!"
Tila nagkagulo na ata ang mga babae sa loob ng canteen pagkaalis nya.hayy naku. Nakalimutan na naman nila yung nangyari kay Missy :)
Because of him.."Matthew balik ka!! Charot hahaha" tawa ng mga bakla sa kanto.
"Baliw" sabi ko. Mabuti pang kumain nalang.
BINABASA MO ANG
Nightmare Spell
FantasíaThis is a story of Zen Writes who suffered from schizophrenia. She's a stupid person who has a power to manipulate humans. Who is she? Will she find peace inside the world full of lies? Let's find out her secrets Beware readers.. Read at your own r...