Prologue

95 20 3
                                    

"Anak, okay kalang ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy.

I shooked my head at hindi ko napigilang umiyak. Niyakap niya ako.

"Shhhh! stop crying, baby girl. Mawawala din yan. Maaaring hindi pa ngayon, pero darating din ang araw na...... mawawala ang sakit," hinawakan niya ang mukha ko at dahan-dahang inangat. "Diyan!" Tinuro niya ang puso ko.

I couldn't help but to cry.

"Bata pa naman ka 'yo. Siguro hindi talaga kayo para sa isa't-isa!" Sabi ni Mommy.

Tama si mommy, bata pa kami. At tama, mawawala din 'to lahat. At kapag dumating yung araw na 'yon hindi na ako iiyak.

Hindi na kita iiyakan. Hinding hindi na.

I wiped my tears at saka tumingin kay mommy.

"I promise to myself, na kapag dumating ang araw na wala na 'to," I smiled at her. "Hinding hindi na ako iiyak. Promise, ko po 'yan, Mom."

Nagyakapan kaming dalawa. Bigla siyang nagsalita.

"If you're brother is here. Magagalit 'yon kapag nakikita ka niyang umiiyak." Natawa ako sa sinabi ni mommy. Yeah, my kuya is super, duper OA.

"Ahmm... Mom, gala muna ako hehe. Sayang naman ang bakasyon natin dito sa Palawan, kung mag mumukmok lang ako, 'di ba?" Pinilit kong maging masaya.

"Aba, oo naman! Hala, sige na." Hala! Pinapaalis ako.

Tungek! Nagpaalam ka, remember?

Before I walk away, I kissed her forhead.

Naglakad lakad ako sa seaside. Ang ganda talaga dito. Gusto ko ang ambiance, relaxing. May nakita akong malaking bato. Umupo ako r'on.

Bakit gan'on? Minahal ko naman siya. Hindi pa ba sapat yun para lang mag stay siya sakin? Ang daming tanong na hindi ko masagot. Tangenaa!

Hindi ko namalayan na naiiyak na pala ako. Agad kong pinunasan yung mga luha sa pisngi ko.

"Last na'to. Sana bukas wala na. Sana bukas malimot na kita, tulad ng pag limot mo sa'kin. Kasi dalawang taon na'yon, e! Dalawang taon pero pakiramdam ko, kahapon lang yun nagyari." Di ko mapiligilan umiyak.

Mahal ko siya pero hanggang dito nalang. Hindi ko hahayaan na masira lahat, dahil lang sa kanya.

"Darating din ang araw na magkikita tayo. Darating ang araw na hindi na 'mahal kita' ang maririning mo kundi 'minahal kita pero ginago mo lang ako" for the last time I wiped my tears.

Now it's time to let go.

A few minutes later. There was a boy and he's looking at me. Nasa malayo siya kasama parents niya. Iniwas ko ang tingin ko.

Problema n'on?

Pasimple akong sumulyap sa kanya. Napangiti ako dahil ang sweet niya sa parents niya.

Hindi ko na pansin na papalapit na siya sa akin. Nataranta ako, parang ang lalim ng iniisip niya. Bigla siyang ngumiti.

Luhh! Parang tanga 'to.

Malapit na siya sakin. Parang may binubulong siya.

Matarayan nga.

"May sinasabi ka?" Taas kilay kong tanong.

"Ahh! E-eh gusto sana kitang maging kaibigan. May I know your name?" Ganda ko ba, masyado? Pero sorry siya taray mode ako ngayon.

"AYOKO! Pwede ba umalis ka nga!" Sigaw ko sa kanya.

"I just want to know your name, please." Nag puppy eyes, amputekss. Ang cute niya.

Erase. Erase. Pshh! Pinagsasabi mo, Ally?

"ANO BA? BAKIT BA ANG KULIT MO? EH SA AYAW KO NGA E!! ALISSSSSS!" Sigaw ko sa kanya.

"Sungit mo naman" bakla ba 'to? Tskk!

"Bahala ka nga diyan. Kung ayaw mong umalis. Ako mag-aadjust. Bussseeetttttt!" Sabi ko at padabog na naglakad palayo.

Stress beauty ko d'on, ah. Bumalik na ako sa hotel na tinutuluyan namin.

Kulet niya, ah. Hehe pero in fairness ang cute niya.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Ang lahat po ng nababasa niyo ay mga imahinasyon ko lamang.

I'm In Love With That Naughty Boy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon