Chapter 13:Classmate

87 13 2
                                    

Saturday the next day,after that night.Irita akong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan ang kaibigan ko sa harap.Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote niya at ang aga aga ay nambubulabog siya sa kwarto ko.

Imbes na si espresso ang gigising sa akin,kaibigan ko pa!

Hindi ko makita sa kwarto ang tuta ko.I bet he's with Joyce now.Nambulabog ang kaibigan ko kaya malamang,kinuha na muna ni Joyce at inilayo kay Nat.

I didn't even had a good sleep because of thinking about what happened last night.I'm just so happy that even now it didn't fade--kung hindi lang sumulpot ang hangal kong kaibigan dito.

Umirap ako sakaniya at napakamot sa ulo,"What are you doing here?"

She's wearing a pink crop top and maong short pants.Bihis na bihis ang gaga at mukhang may pupuntahan.

"You didn't receive our texts?" She asked.

Kumunot ang noo ko,"What texts?"

She groaned and seat on my bead.Pinitik niya ang noo ko.Napangiwi ako sa sakit at sinamaan siya ng tingin.

"Nag aaya si Bea ngayon!"

Namilog ang mga mata ko at inabot ang cellphone ko sa gilid ng kama.May text nga doon galing sakaniya at kay ate Bea na pinaaalalahan akong aalis kami ngayon.

"Eh,bakit ang aga naman?" I asked.

She shrugged her shoulders.Tumayo na siya at binuksan ang closet ko.Pumasok siya doon at nagsimulang maghalughog ng kung ano.

Its still 9 in the morning!pwede naman mamayang gabi nalang pero mukhang excited ata ang pinsan ko.

Muli akong natulala ng maalala na naman ang nangyari kagabi.Napayakap ako sa unan ko at pinigilan ang mangiti.

Last night was the most memorable night for me.Kung hindi lang kumahol si espresso ay hindi na siguro mapuputol ang titigan namin.It was a nice scene thou.

He's holding my hands as we stared at each other with the moon and stars above us and skyscrapers in front of us.

Walang pakealam sa kape namin na nilamig na.

I giggled and bit my lip to stop myself from smiling.

"Ivy Xienne,are you listening?!"

I snapped when Nat came out from my closet.Busangot ang mukha niya habang may hawak hawak na damit.

"I said,get up and-"

"He's now courting me." I said without thinking.

Nung una ay kunot noo niya akong tinitigan.Pagkatapos ay ngumisi hanggang sa tumili siya at magtatalon.Napangiwi ako at napatakip sa aking tenga.

Feeling ko ay rinig hanggang sa baba at sigaw niya.Nagulat ako ng ibato niya ang mga hawak niyang damit sa akin.

"Nat!" I said.

Ibinato ko sakaniya ang hawak kong unan bilang ganti tsaka siya masamang tinignan.Ang aga aga,iniirita ako ng hangal.

"Really?!" She screamed once again.

I rolled my eyes.I can imagine maids downstairs looking up on my room.Sana lang ay hindi umabot sa kwarto nila dad.But well,they might be out right now.Kahit weekends ay busy sa firm.

Nat sat besides me.Here she is again,chismosa na chismosa ang mukha at halos mag pantig ang mga tenga para lang marinig ang sasabihin ko.

I bit my lower lip and nodded.She screamed again.Naibato ko sakaniya ang unan sa likuran ko ngunit hindi man lang natinag at binato pa sa akin pabalik.Her high ponytail hair dance with her as she giggled.

Espresso And CappuccinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon